Pag mulat ng mata ko, madilim ang buong paligid. Gabi na ba? Matagal ba ko nawalan ng malay?
Ang tanging liwanag na natatanaw ko ay nagmumula isang bahay. Kaninong bahay yun? Asan na naman ba ko?
Nagsimula akong maglakad papunta sa bahay na may liwanag. Isang bahay sa gitna ng kawalan. Pagpasok ko sa bahay ay nakita ko si Sage. Lalapitan ko sana siya ngunit iba ang kanyang pananamit. Nakakulong siya na parang wooden prison bars.
"Alam niyong hindi ako mapipigilan ng mga rehas na ito pag dating ng hating gabi. Hindi ito sapat," sabi niya habang nakayuko.
Umiiyak ba siya?
Tumakbo ko papalapit sa kanya at hinawakan ang kanyang mukha. Tumagos lang ang kamay ko sa kanya. Fuck, nasa vision na naman ako?
"May isa pang paraan mahal na prinsipe," sabi ng isang babae na nakaputi na damit. All white dress. Ito siguro ang sinasabi nilang Punong Babaylan, pero she looks younger.
"Magawen, para mo na din pinaslang si Prinsipe Isagani sa iyong mungkahi" sabi ng isang lalaki na kamukha ni Uncle Syl. Siya kaya si Silawin?
"Limang daan taon mahal na prinsipe. Limang daang taon ka mahihimlay at walang kahit anong dugo na dadampi sa iyong mga labi. Pag wala na ang uhaw mo sa dugo, maisasagawa ng Punong Babaylan ang ritwal para mawawala na ng tuluyan sumpa ni Miraya."
"Magawen, bilang prinsipe ng kaharian na ito, inuutusan kita na gawin mo ang lahat para mailayo mo ang mga tao sa isang halimaw na katulad ko. Kapag natapos ang ritwal, iwanan mo ang aking katawan dito. Pag sikat ng araw, dalawa sa kawal ng aking ama ang aking inutusan na itago ako sa kabundukan. Sumumpa sila na hindi ipapaalam ang lokasyon ng aking katawan kahit kanino man," naiiyak na sabi ni Isagani.
Parang isang movie ang nagaganap sa harapan ko. Nagsimulang ng ritwal si Magawen at inihiga si Prinsipe Isagani sa isang puting tela at unti unting nawalan ng malay ang prinsipe.
Kinuha ni Magawen ang isang puting punla at hiniwa ang kanyang pulso. The blade looks familiar, eto ba yung ginamit ni Prinsipe Isagani pagsaksak kay Miraya?
Pinatak ni Magawen ang dugo niya sa bibig ni Isagani na wala ng malay sa mga oras na yun. Hindi lang patak, I am sure napakadaming dugo ang nawala kay Magawen. Sa tulong ni Silawin, unti unti nilang binalot ang prinsipe sa linen cloths na parang isang mummy.
Dahil sa ritwal na ginawa ng Punong Babaylan, biglang nawalan ng malay si Magawen. Siguro kasi nadrain ang power or energy niya. Marami din ang nawalang dugo sa kanya. Bago tuluyan na bumagsak si Magawen sa lupa, mabilis siyang nasalo ni Silawin.
"Magawen, mahal ko, gumising ka," banggit ni Silawin.
"Wag ka mag alala, mahal ko. Ako ay napagod lamang. Maraming nawalang dugo sa akin at kailangan ko magpahinga."
Mahal ko? Love team si Magawen and Silawin?
"Sinabi ko na sayo na makakasama sayo at sa pinagbubuntis mo ang ritwal, ngunit mapilit ka."
"Kaya ko ang sarili ko. Mabuti ang lagay ng anak mo. Bilang Punong Babaylan, responsibilidad ko din na protektahan ang mga tao at sundin ang utos ng Alagad ni Bathala."
Hindi ko inaasahan ang nangyari at biglang hinalikan ni Silawin si Magawen. Kung tama ang pagkakarinig ko, Magawen was pregnant and Silawin is the father.
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend Kong Mummy Na, Vampire Pa (Published Under Precious Pages)
Vampire[PUBLISHED Under Precious Pages] Meet Sage Elizalde, a 500 year old vampire na isang dating prinsipe noong pre-Hispanic period. For some unknown and mysterious reason, he finds my blood highly addictive as if he can't get enough of me. Join me as I...