Chapter 9 - Good Morning

45.3K 1.5K 61
                                    

Iyon ang huli ko naalala bago ko mawalan na naman ng malay. Nagising na lang ako the next day sa loob ng kwarto ko. 


Hay salamat, panaginip lang pala ang lahat, akala ko real life...


Biglang sumampa ang dalawang German Shepherd dogs sa kama ko at dinilaan ang mukha ko na para bang binabati ako.


"Good morning!" nakangiting sabi ni Sage na nakaupo sa sofa chair sa tapat ng kama ko.


"Good morni--- What the fuck! Bakit ka andito? Paano ka nakapasok sa kwarto ko?" gulat na tanong ko sa kanya sabay kuha ng kumot takip sa akin.

"Nagcollapsed ka na naman kasi napaka weak mo. Di ka kasi kumain ng dinner kaya nawalan ka ng malay. Hinatid na lang kita kagabi at binantayan kita buong magdamag. You can thank me later!" nakakaloko niyang sabi.

"Thank you? You fucking suck my blood! That's the reason why I collapsed again! Ano ka ba talaga?"

"You still remember huh?" nawala ang ngiti sa mga labi niya.

"At paano ka nakapasok dito sa bahay? High tech ang security facilities namin! And these dogs are highly trained to..."


Bago ko pa matuloy ang sinasabi ko, tinawag ni Sage ang mga doggies. Biglang lumapit ang dalawang malaking aso kay Sage at humiga malapit sa kanya. Hinaplos ni Sage ang ulo ng mga aso at mukhang enjoy naman ang mga doggies sa kanya.


Ano bang klaseng nilalang tong si Sage at napaamo niya 'yong mga aso? Galit sa strangers ang mga ito at trained to attack kapag may pumasok na intruder.


"Nakakatawa ka talaga Rei. You clearly remembered that I suck your blood, and you still doubt me na makakapasok ako sa secured niyong mansion? You are underestimating me."

"At bakit ako nakapantulog na? Ikaw ba ang nagpalit ng damit ko?"

"Hindi ako, 'yong mga aso! Nasagot ko ba tanong mo?"

"Eh 'di nakita mo na ang katawan ko? Pinagsamantalahan mo ba ko?"

"Di kita type, Rei. Wag masyado mag-assume," nakakaloko niyang sagot.

"I hate you, Sage! I really hate you!"

"Hey, don't hate me. Hindi kita pinagsamantalahan. Wala akong balak!" sabi ni Sage sabay lakad palabas ng kwarto ko.

"At anong balak mo? Gawin akong living blood bag? Unlimited source ng food mo?"

"You are indeed a smart girl. I like you," sabi ni Sage bago lumabas ng kwarto.


Sinundan ko siya pero tulad ng inaasahan ko, mabilis na siyang nawala.

Wala si Uncle Syl ngayon, nagpaalam na aalis for one week. Hindi na ko nagtanong kung saan siya pupunta. Mabilis akong pumunta sa kwarto ni Uncle Syl at binuksan ang desktop computer niya. Chineck ko ang mga security footages na recorded kagabi.

Tama si Sage, hinatid niya ko gamit ang kotse niya. Buhat niya ang wala kong malay na katawan at ginamit niya ang thumb ko para magkaroon ng biometrics access sa gate.

Kaso, nagulat na lang ako nang biglang tumalon si Sage from first floor papuntang veranda ng second floor. Sinalubong siya ng mga aso ngunit instead na umatake, lumapit ang mga ito na parang maamong tuta. I have no choice but to delete these records. Isang malaking gulo kapag nakita to ni Uncle Syl.

Ang Boyfriend Kong Mummy Na, Vampire Pa (Published Under Precious Pages)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon