CHAPTER IX

21 1 0
                                    


This day is just a usual day.

Days had past since the last time we talked and saw each other. I am obviously talking about Paris.

After the afterparty, hinatid nya 'ko sa bahay, of course I led him the way. Umalis din sya agad no'n dahil gusto nya na daw matulog. Patutuluyin ko pa naman sana sya sa bahay para makapag-juice man lang.

And it's been one week. One week of hoping na magpapakita sya.
One week na syang absent.

Is this his way of avoiding me?
Nakakalungkot lang. Baka mapabayaan nya ang studies nya kung gano'n. Gusto ko na syang makita dahil hindi sapat ang 'thank you' para pasalamatan sya sa surprise nya sakin. That was one of the happiest days of my life.

Pumasok na ang Filipino teacher namin pero wala pa ring Paris ang nagpapakita.
Isang linggo ng bakante ang upuan nya, walang maingay (sa sarili kong pandinig). Walang nanggugulo.

Nagpakaabala na lang ako sa pagbabasa ng Emma ni Jane Austen dahil ang boring ng discussion. I'm sure magagalit na si Jose Rizal sakin nito dahil mas pinipili ko ang magbasa ng libro ko kesa makinig sa discussion ni Ma'am about El Filibusterismo.

Ok lang naman kahit matawag nya 'ko for recitation dahil nag-aadvance reading ako. Nangyari na yun before at mainit pa ang dugo nya sakin--na syang hindi ko alam kung bakit--kaya when I answered it correctly, wala syang nagawa kundi purihin ako sa simpleng tanong nya na "Bakit hangarin ng mga estudyante kasama na si Basilio na magpatayo ng akademiya na magtuturo ng wikang kastila?" Psh. Lame question.

Always do an advance reading. Just a friendly reminder.

Sandaling natahimik ang klase pero tutok na tutok pa rin ako sa libro ko.
Maya-maya'y nagpatuloy na ang ingay.

"May I talk to you?"

Halos mapatalon ako sa gulat ng marinig ko ang isang pamilyar na boses. I wasn't expecting to hear his voice again.

"Sure." Sabi ko ng nakatingin pa rin sa libro ko.

"I know what my brother did to you is wrong. I am apologizing to you for his action."

"Lupert, hindi mo kailangang mag-sorry. Wala kang kasalanan sa nangyari."

"Pero sana mapatawad mo sya. Alam kong malaki ang kasalanan nya sayo at hindi nya inisip ang ginawa nya. Sorry talaga."

"It's ok. The action was already done. Now, bumalik ka na sa upuan mo, baka mapagalitan tayo ni Ma'am."

"Sorry---"

"Hindi mo ba narinig ang sinabi nya?"

WTF?

"She said it's ok. Don't you understand?"

"P-Paris, pare. Ito na nga, aalis na." Bakas ang takot sa mukha ni Lupert ng humarap sya sakin.

"Una na 'ko." Nginitian ko na lamang sya. Ayoko namang maging masama sa kanya dahil labas naman na sya sa eksena pero hindi maalis sa isip ko na kapatid nya ang Maniac na 'yon.

Padabog na umupo si Paris sa kanyang upuan. Hindi ko na lang sya kinausap pa at nakinig sa discussion. Buti nga at hindi nya naisipang magpa-groupings na naman. Wala rin ako sa mood para do'n. Mukhang bad mood din naman ang isang 'to at ito nga at nagdabog pa sa harap ko. Since one week syang absent, I'm expecting him to look fresher than ever. One week din yun 'no at kung ako 'yon, I'll spend my time talking with my books inside my room pero sya? Lalong naging mapungay ang mga mata nya. Mas gumulo ang buhok at mas gumusot ang uniporme. Mukhang walang tulog. Mukhang walang kain.
Parang dinaanan ng bagyo samantalang nagmukha na nga syang tao last week.

One For The Books Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon