CHAPTER XXXV

11 1 0
                                        

I woke up early in the morning for an unknown reason. Or should I say, I did not sleep. Laman ng utak ko si Wanted the whole night.  And one more thing about Beige. Yes, She's my twin sister but she's older than me, 4 minutes as far as I remember. According to Manang Tere, kailangan kong magpatawad for the sake of truth. Hindi naman sa mataas ang pride ko or ewan kung in denial lang ako. Pero nasaktan lang talaga ako ni Beige and the most hurtful part there is that, she's my sister. Unfortunately, we have the same blood.

So, will I go to the library later to talk to her? Ano bang nalalaman nya? She was in New York when everything that she left here became a total mess. She had nothing to know and to be concerned about. Si Mendelle kaya ang nagku-kwento sa kanya ng lahat ng nangyayari or si Dad or si Manang or si Cas——no, scratch that. Never nagkasundo ang dalawang 'yon. Kung matindi na kami ni Beige, mas lalo sila ni Catastrophe dahil feeling ni Beige noon, inaagaw ako ni Catastrophe sa kanya. Ewan kung anong trip ng dalawang 'yon.

Siguro it's time to talk to her. Sya na lang ang nakakaalam ng lahat though I don't know kung lahat but base sa huli nyang sinabi, I think masasagot na rin ang sagot sa mga tanong ko.
Bigla namang sumagi sa isip ko si dad. Nakakakonsensya lang. I need to say sorry to him. I walked out and went to his office. I was about to knock when I heard someone talking at the veranda.
Lumapit ako ng bahagya at nakumpirma ko ngang si dad ito. For his business na naman siguro. Paalis na sana ako ng matigilan ako sa sinabi nya.

"Find them!.....hindi! Hindi nyo sila papatayin. Ako na ang bahala sa kanila basta ang mahalaga, mahanap nyo sila at madala sa'kin. I'll make sure that they'll pay for what they did to my family!"

W-what was that? Oh my God! Is he talking about Wanted and France?!

"Sinaktan nila ang mga anak ko! At isa pa 'yang France na 'yan! Magbabayad sya sa ginawa nya sa anak ko sa New York. Basta, ayusin nyo ang trabaho nyo. Magkita na lang tayo kapag nahanap mo na ang dalawang 'yon!"

Nagmamadali akong naglakad paalis. God! Sila Wanted and France nga ang pinag-uusapan nila. Nasa panganib ang buhay ni Wanted. God!!

"Saan ka pupunta?" Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ko ang boses ni dad from my back.

"Or should I say, gaano ka na katagal na nandito?" Shit! Lumingon ako sa kanya at pilit pinakalma ang sarili para wala syang mahalata.

"No dad. I mean, I was looking for you....yeah.....and ngayon ngayon lang din ako naparito."

"Did you hear something?" Dad said trying to be calm. Now I can finally sense that he's hiding something from me and I clearly heard that earlier.

"No dad. Hindi ko nga po alam na nandyan kayo." I gave him my fake smile.

"Ok. You can have your breakfast first." Dad said after he took a sigh.

"Dad, I just wanna say sorry. Sorry sa katigasan ng ulo ko. Sorry dahil nasagot kita kagabi. Sorry dahil sumama ako sa kanya. Tama ka naman dad eh. Walang idudulot na maganda ang pag-sama ko kay Wanted. At oo dad, masyado akong napre-oocupied dahil sya lagi ang kasama ko. Sorry dad dahil hindi ko na-appreciate yung effort and presence nyo. I'm really really sorry dad...." Pinigilan ko ang pagtulo ng luha ko. I meant what I said. About being sorry for what I did last night but about Wanted? No.
He became my greatest companion when there's no one else I could have. He made my fantasy a reality. He may not be as gorgeous as my men in my favorite stories but he himself is the best gift that I had. So no in this world I would deny that he became a biggest part of my life. We may not know each other that long but we clicked and it's a strage thing. I mean, for someone like me who is well-known for locking herself out, diba ang strange lang na out of nowhere biglang may taong dadating at magki-click kayong bigla na parang you are made for each other? Tipong nagco-complement kayo sa isa't isa. Kumbaga sa kape, tamang timpla lang? Hindi mapait. Hindi masyadong matamis.

One For The Books Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon