CHAPTER XXVIII

14 1 0
                                    

"Needed...."

"Please? Ang dami kong gustong sabihin sayo."

Bahala na kung mukha akong kaawa-awa ngayon.

"Wanted, give me some time..."

"30 seconds before I leave." Kung kanina ay naaaninag ko ang pagkasabik sa kanyang mga mata nang humarap ako, ngayon ay napalitan ito ng inis at pagkainip. Literal na real quick. Humugot ako ng malalim na buntong hininga nang makita kong kinakalkal na nya ang wrist watch nya.

"What now? The time is running." Bored na sabi nya.

"Wanted, I....I just wanna say thank you for all the things you did. Your efforts, patience, for your kindness..."

"Then? Is that it?"

"N-no! Wanted, hindi sapat ang 30 seconds para sa lahat at alam mo yan!"

"Ok. I think I need to go home."

"Wanted naman..."

"Needed, don't make me think that I'm wasting my time talking to you---"

"Bakit ka ba ganyan? Bakit ang mean mo sakin?! Parang wala tayong pinagsamahan ah! Ang sama sama mo! Without even hearing my fucking side after that night, bigla ka na lang nagkaganyan! What did I ever do to you?!"

"You fooled me, Needed!"

"No, I'm not!"

"Yes! Yes you did!
Natigilan ako sa sinabi nya. Ramdam na ramdam ko yung galit. Yung pakiramdam na ang dami nya ring gustong sabihin.

"Akala ko ok na. Pero nung nakita kitang umiyak nang makita mo sya, hindi ko alam kung bakit. Kung bakit biglang kumirot 'to." He said then pointed his left chest.

"Hindi ko alam kung bakit biglang nanghina ang buong katawan ko, Needed. Akala ko ok na eh. Akala ko...

....... Ako na."

"Wanted..." Akmang lalapit na 'ko sa kanya dahil gusto syang yakapin.

"Don't." He said warningly.

"Maniwala ka. Mahal kita! Hindi pa kayang i-explain ng sarili ko ang lahat pero totoo ang sinasabi ng puso ko. Totoong ikaw ang mahal ko!"

"Bakit?" Tanong nya na nakapagpatigil ng pagtibok ng puso ko.

Bakit? Hindi naman mahalaga kung bakit hindi ba?

"I don't know! Pero totoo ang nararamdaman ko. It's just that... It's...unexplainable!"

"Hindi." Saad nya na nasundan ng sunod sunod na pag-iling.

"Let's end this. Let's stop hurting each other. And you, you should stop me from falling in my own hopes. Those hopes I built. You should stop me from believing in your words. Stop fooling me, Needed."

Napatanga ako ng maglandas ang mga luha sa mata nya. Parang pinipiga ang puso ko sa sakit.

"Believe me. I love you, Wanted. Please. Pwede bang akin ka na lang? Pwede bang tayo na lang? Wala akong pake kung mukha na kong desperada sa harap mo ngayon. I'm giving up my pride, can't you see that? Wanted...."

"Hindi ko na alam. Ang hirap na kasing maniwala ngayon lalo na sa'yo." May diing sabi nya.

"Can I take you back? Can I---"

"May girlfriend na 'ko ang we're happy. Stop what you're saying. Stop being desperate."

Ilang minuto bago ako muling makapagsalita. Ang hirap lang makarecover sa sinabi nya. Ang dami ko nang nilunok para sa kanya. Kinapalan ko na ang mukha ko para sa pagkakataong ito pero ang sakit lang ng sinabi nya.

One For The Books Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon