CHAPTER XXXIV

5 1 0
                                    

"Bakit kasi ang tagal tagal mo?"

"Ang hirap kayang magpunta dito! Sa lahat ba naman kasi ng lugar na naisip mo, dito pa!"

"Hindi tayo pwedeng mahanap ni Mr. Alcantara. Teka, handa na ba ang lahat?"

"Oo naman. Eh anong balak mo sa isang 'to? Didispatyahin na rin natin?"

"Hindi. Hindi pwede."

"Tol, usapan na'tin yan. Don't tell me that you're falling in love with her?"

Napabalikwas ako ng bangon. Matagal akong napatitig sa kawalan. Napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang bilis nito. Parang sasabog ang puso ko sa sobrang bilis at lakas ng kabog. What the hell was that? Panaginip lang 'yon diba?

"Shit! Umalis ka na! Hindi ka nya pwedeng maabutan dito!"

Napabalik ako sa reality when I heard Wanted silently shouting at someone. Bakas ang pagkataranta rito. Dali dali akong tumayo at binuksan ang zipper ng tent.

"WANTED!" I shouted at the top of my lungs. Medyo malayo sila sa akin pero nang tawagin ko ay napatingin silang pareho sa akin at nabalot ng pagkabahala at takot ang mukha nya.

"N-Needed......."

Tumakbo ako palapit sa kanya bitbit ang nakaambang pagtulo ng mga luha ko. Hindi. Hindi ako iiyak sa harap nya. Never. Nang makalapit ako ay walang anu-ano'y sinampal ko sya.

"HOW DARE YOU?!" singhal ko. Galit na galit ako. Nagngingitngit ako sa galit. Tang ina! Sobrang sakit! Sabi na eh. Inasahan ko na 'to pero bakit gano'n? Hindi pa rin ako naging handa sa sakit?!

"I can explain——"

"NO! You have nothing to explain! I heard everything. Every fucking thing! Goddamn it!"

"Bey, wala syang——"

"Isa ka pang hayop ka! Ano? Balak nyo pang magsinungaling sa'kin? Bakit, France! Bakit? Bakit ako? Bakit kami?! Ano bang nagawa ko sa inyo?!"

"Needed, listen——"

"I hate you so much, Wanted! I fucking hate you!"

"Wala syang kasalanan dito, Beatriz! Ako ang sisihin mo kung——"

"Wala akong pake! You both fooled me! Pinaglalaruan nyo lang ako all this time?! Tama nga si Cas. Tama ang lahat ng sinabi nya. What? Are you going to kill my dad now? Kaya nyo ko dinala dito for that plan?! Fuck!"

"This is all my plan, Beatriz! At isa pa, kasalanan ng dad mo kung bakit kami nagkakaganito!"

"Fine! Kung ano mang kasalanan nya, sa akin nyo ibuntong. Ako.......ako na lang ang patayin nyo........Please."

Hindi ko kayang may mangyari sa dad ko. Hindi sya pwedeng mamatay. Lumuhod ako sa harap nilang dalawa. Nagsimula nang tumulo ang mga luha ko. I have to do this. I have to swallow my pride for the sake of my beloved father.

"Needed..." Dahan dahan akong tinayo ni Wanted.

"No! Don't touch me!" Pagpupumiglas ko saka lumayo sa kanila ng bahagya. "What now?! Patayin nyo na 'ko! Diba kasama rin naman ako sa plano nyo?! What? Are you going to kill me too?! Then do it now!"

"Needed——"

"SHUT UP! 'Wag mong mabanggit banggit ang pangalang 'yan! Walang hiya ka Wanted!"

"Listen to me first please!"

"No! Kung hindi nyo rin naman ako papatayin, then iuwi nyo na 'ko! I want to go home!"

"Hindi! Dito ka lang. Hindi kita pwedeng dalhin doon! May panganib na nakaabang sa'yo!"

One For The Books Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon