Nagising ako sa pagtama ng sinag ng araw sa balat ko. My two sisters are still sleeping beside me. Sobrang napagod siguro sa dami ng nangyari kahapon. I chuckled when I heard Beige snorted. Kahit hindi naging maganda ang nangyari sa amin, she's still here for me, risking her own life. Pare-pareho lang naman kaming nagri-risk ng buhay para sa isa't isa. I looked at Mendelle. Mamamatay ata ang isang 'to na wala pa ring nagiging boyfriend. Kasusuklaman ako nito hanggang kamatayan kapag nagkataon.
Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. Naiiyak na 'ko sa thought pa lang na iiwan ko silang dalawa dito. I'll tell them my plan to go to Greece with Wanted. Pero hindi ko kayang umalis dito ng hindi maayos ang lahat. Marami pang pwedeng mangyari at gawin si dad. Natatakot akong wala na akong balikan. I don't know if this will help to lessen the pain inside me.
Paano sila? Paano ang mga taong iiwan ko dito? Makakatulong ba ang pagtakas? What about me and Wanted? Is it still a right thing to do if we go out just to refresh our minds and escape with reality for a while and for just once? Pagiging makasarili ba ang gagawin namin kung gusto lang naming maging masaya?
"You're in deep thought huh?" Napaling ang tingin ko sa nakangiting si Beige. Sabog ang hanggang balakang nitong blonde hair.
"Yeah."
"What are you thinking?" Singit naman ni Mendelle na gising na pala.
Bumangon ako sa kama at tinitigan sila, saka humalukipkip."Me and Wanted...." I paused. Bahala na kung papayag sila or hindi basta buo na ang desisyon ko.
"What?"
"We are going to Greece tonight."
Pareho silang nawalan ng imik. "At kung balak nyo akong pigilan, sorry but--"
"No. It's ok. Kami na ang bahala dito. We want you to be happy."
"Pero kasi...."
"You deserve that, Bey. Deserve mong maging masaya. Parang nakadepende na nga ang kasiyahan mo sa kanya eh pero remember that it's not healthy ha?"
Napangiti ako. "Di ka na bitter?" Binato ako ni Mendelle ng unan dahil sa sinabi ko.
"May boyfriend na kaya ako!"
"Oh, really? Anyways, kamusta naman na daw si France?"
"I received a call from the hospital. He's still unconscious because of severe pain. Halos maubusan sya ng dugo." Paliwanag ni Beige. Nangiting tumitig sa kanya si Mendelle.
"What?" Iritableng tanong nito.
"Bakit may halong lungkot?"
"Manahimik ka nga, Mends! Tigilan mo 'ko sa mga ganyan mo!" Halos sabunutan nito si Mendelle sa inis na syang kinatawa ko.
"Basta kapag ok na ang lahat, babalik ako." Saad ko. They both looked at me.
"I promise. I'll come back.""You should! At babalik kang buhay, ok? Babalik ka ha?" Usal naman ni Mendelle saka hinawakan ang dalawa kong kamay. "I promise I'll be safe."
"Saan kayo magkikita?"
"Sa cemetery. Kaya nga kailangan kong makaalis dito mamaya."
"Ang weird ng meeting place. Parati na lang cemetery." Ani Beige.
"Ang creepy kamo." Singit naman ni Mendelle.
"Anyways, we need to move."
"Paano? Nakakulong tayo dito."
"Wanted told me he'll make way. Makakalabas tayo--" Natigilan kami nang bumukas ang pinto at pumasok ang isang lalaking naka-coat. May dala itong tray loaded with foods. Nakalimutan kong pansamantala ang gutom dahil sa dami ng iniisip ko.
BINABASA MO ANG
One For The Books
General FictionPast is what makes the present because there will be no present if there's no past. There will be no butterfly if there's no caterpillar, there will be no light if there's no darkness. There will be no leader if there's no member, there will be no n...