CHAPTER X

15 1 1
                                    

Dedicated to: deynscabais 💜

******

Today is the day.

At sa kasamaang palad, sobrang hapdi ng sikmura ko at sumasakit din ang ulo ko. Pakiramdam ko, kapag tumayo ako ay bigla na lang akong bubulagta.
7 am pa naman ang pasok naming mga organizers. 6 am pa lang naman kaya nagmuni-muni muna ako.

I'm thinking if I can go to school. My mind says yes but my body says no.

Argh! Sobrang hapdi talaga!

Kung wag kaya akong pumasok? Kawawa naman si Leonard. Mag-isa lang sya sa booth pag nagkataon. Pero maiintindihan nya naman dahil may sakit ako, diba? But knowing him, wala syang binibigyan ng consideration at hindi rin naman kakayanin ng konsensya ko na mag-isa sya dun.

Wait, ako ba talaga 'to? Nakokonsensya? Fudge.

Kahapon lang namin napag-disisyunan ang booth namin. We entitled it as Let's get Logical! Hindi pa naman napag-uusapan ang design ng booth so kailangan ko talagang pumasok. Mag-half day kaya ako?

Gusto ko syang tulungang mag-design dahil kailangang maging unique ang booth namin not because I want to be exempted to our long test but it was all because of him. Isa sya sa mga kaklase kong hayok sa grades. Makikipagpatayan, tumaas lang ang marka. Too much greediness.

Well, grades are just numbers. It can't measure our intelligence but it can measure our hardwork. Grades are still important. Acads is life.

"Are you ok?" Tanong ni Dad sa akin.

"Nope, Dad. But I need to go to school."

"Anak, kung hindi mo naman kaya, I can talk to your teacher about your situation."

"Hindi na, Dad. Nakakahiya din kasi sa kasama ko sa booth. But, kapag hindi ko na talaga kinaya, tatawagan ko na lang si Manong Roberto para magpasundo."

"Ok. Pero, kumain ka muna bago ka uminom ng gamot."

"Thanks, Dad." Usal ko bago sya lumabas ng kwarto ko. That guy. He's too much busy with so many things. Bihira lang kaming magkita at napakaiksi na lang ng mga pag-uusap namin but I know he's making an effort. At least.

NAKABIBINGING tilian ang bumungad sa akin pagpasok ko sa school. Hindi pa man nag-uumpisa ang fair, excited na ang lahat.
Nagsisimula na ang ilan sa mga kaklase ko sa paglilinis ng space nila kaya kahit hindi pa rin ok ang kalagayan ko, binilisan ko na ang paglakad para makarating sa space namin.

Abala na si Leonard sa pag-aayos kaya tumulong na rin ako. Parang mahihilo na nga ako sa init kahit kararating ko lang. Mukhang hindi naman nya ako napansin dahil busy sya sa ginagawa nya kaya inayos ko na lang ang table at saka pinatungan ng magandang table cloth.

Umubra kaya ang Logic thigy na 'to?

"We need to win this!" Sabi nya na parang isa itong kompetisyon na kailangang kailangan nya ngang manalo. Ang dami rin kasing pakulo ng science fair. Nginitian ko na lang sya dahil wala naman akong masabi kung iyon talaga ang gusto nya.
Nagwawalis-walis na rin ako dahil may mga dahon na nasa damuhan. Nasa open field nga kami ngayon at ang laki laki talaga ng ginastos for props para dito.

Naglilibot libot naman si Ms. Faye, checking if everything's alright.

"Nasaan na ang nga nandito?" Turo nya sa katabi naming space na wala pa ring pumupwesto. "Anong oras na ha?"

"Ma'am! Sorry. We're late."

"Fine. Dalian nyo na dahil malapit ng buksan ang fair." Iyon na lang ang sinabi nya saka umalis.

One For The Books Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon