CHAPTER XXXII

19 1 0
                                    


I'm heaving a heavy sigh for a countless times. I don't know why I'm feeling like this at kanina pa 'ko paikot ikot dito sa kwarto ko. I told dad na mapapalit muna ako ng damit pero 1 hour na ata ay hindi pa rin ako bumababa. Natatakot ako sa maaari kong gawin. I don't know kung hanggang saan ako madadala ng galit ko sa kanya. Her presence pushes me to my limit. Just her fucking presence and everything can change. I'm trying to control my emotions but I just can't help it.
Hindi ko mapapatawad ang sarili ko sa kung ano mang magagawa ko. At lalong hindi ako mapapatawad ni dad. I don't want that to happen.

Napaupo ako sa kama. Not knowing what to do. Pakiramdam ko, once na magharap ulit kami, makakapatay na 'ko. Ang OA mang pakinggan pero walang sinuman ang nakakaalam sa pwedeng gawin ng isang galit na tao. We don't know what are they capable of doing.
Some people can control themselves but others are not so just pray that someone might save you from hell, from death. Parang kahit sabihin mong ok, once na magdilim ang paningin dahil sa galit, well, nakatadhana ka nang masaktan. Mabiktima ng poot at galit.

Tuwing nakikita ko sya, naaalala ko ang lahat ng kahayupan nya. Magkapatid na lang ata kami sa papel eh. Gusto ko syang sabunutan, sampalin, suntukin, ibaon ng buhay sa lupa o kung ano pa man para lang makabawi ako sa lahat ng nangyari at ginawa nya sa'kin. Masakit 'yon. Sobra.

She brought out the worse in me and I hate it. She brought out the sleeping evil inside me, an evil that me myself doesn't even know that exist. Gad! What have she done? She awoken that evil. She changed me....for the worse and who wanted to be worse then? She handed me the gun and taught me the art of pulling the trigger.

I woke up from my thoughts when someone just knocked at my door. I stood up when it opened without my permission.

"Dad..." I uttered. He came near me.

"Sorry, anak. Hindi ko dapat pinilit ang lahat ng ito."

"Dad, wala kang kasalanan." He suddenly hugged me tightly that I can't even breathe.

"Marami. Napakarami."

"Dad, hindi ko talaga kaya eh. Pasensya na po...."  Napahagulgol ako sa mga bisig nya.

"Shhhh, I understand. Don't cry, please."

"Sorry talaga dad."

"I know. I know. Ako ang dapat mag sorry dahil pinilit kong mangyari 'to. Anak, maiksi lang ang buhay kaya matuto kang magpatawad. Alam kong hindi pa totally naghihilom yang sugat sa puso mo pero lagi mong tatandaan na kapatid mo pa rin sya."

"Dad....."

"Just let go of the past. Let's all move forward. Let's forget the pain."

"How can I do that, dad? How can I forget the pain when it's still here?" I ask pointing at my left chest.

"Akala ko kasi, kapag bumalik sya, makakapag-usap na kayo at magiging ok rin ang lahat. Anak, tumatanda na 'ko. Gusto kong magkaayos kayong magkapatid para sa isa't isa. Mas luluwag ang buhay at mas sasaya ang mga puso nyo kung magkakaroon kayo ng kapatawaran sa isa't isa. Alam kong hindi ganoon kadali ang makalimutan ang lahat pero sana maging madali para sa'yo ang magpatawad."

"Dad.....sorry. Pero kung kaya ko naman na, why not? Pero sa ngayon...sorry talaga, dad."

"Naiintindihan ko. At naiintindihan rin nya. She's willing to wait for your forgiveness."

Nakita 'ko ang malungkot na smile sa mukha nya but I doubt it. Siguro para pagaanin lang ang loob ko kaya sya ngumiti pero kita ko naman sa mga mata nya ang lungkot at disappointment. Sasaktan ko lang rin sya at ang sarili ko kung sasabihin kong napatawad ko na si Beige kung hindi pa naman talaga. Mas maganda na kung totoo ang lahat. Kung talagang napatawad ko na sya, bakit hindi ako makikipag-usap diba? Pero sa ngayon, hinding hindi pa talaga eh. Her presence is like a knife that might stab and kill me anytime soon. What more pa kaya kung makausap ko sya at mapakinggan lahat ng kasinungalingan nya. Ayoko nga rin syang ituring na kapatid eh. Wala namang kapatid ang magpapahamak at mananakit ng kapwa nya kapatid, right?

One For The Books Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon