CHAPTER XI

13 1 0
                                        

Dedicated to: Tine_Antoja Thanks sa support ❤

*****

"Ubos na yung chocolates ko na dala mo last time you visited us. Kelan ka ba uuwi?"

"Yieee. Na-miss ako ng sister ko. Gosh!"

"Hindi kita na-miss. Gusto ko lang talaga ng chocolate."

"Eh kasi ni-cancel yung Wedding kaya hindi ako nakauwi dyan. I'll tell you na lang kung kelan ako makakauwi."

I ended up the call before she does. Mamaya maunahan nya pa 'ko eh. Bumaba ako sa sala ng makita ko ang maleta ni Dad at naabutan syang inaayos ito.

"Where are you going, dad?"

"To New York. Something's bad happened to your sister."

"Oh? Kausap ko lang si Mende---"

"I know you know who I am talking about. Be good here, ok? I'll be back soon. Mauna na 'ko. Male-late ako sa flight." Hindi na 'ko nakapagsalita ng halikan nya 'ko sa noo.

"Mag-ingat ka, dad." Nginitian ko na lamang sya.

"For so many times, I'm pleasing you. Please talk to her."

Hindi na 'ko sumagot ng magsara ang pinto at naiwan akong nakatayo lamang.

"Yung gatas mo, lalamig na." Bungad ni Manang Tere.

Umupo ako sa sofa nang iabot nya ang gatas. And before she leaves, "Manang, a little conversation with me?" Ngintian ko sya nang humarap sa akin.

"Bakit naman hindi?" Dali-dali syang umupo sa tabi ko.

"May lead na." Napatitig ako ng banggitin nya ang salitang iyon.

"Ano po?"

"Alam kong itatanong mo na naman kung may progress na ba " She smiled a little and it gave me uneasiness. What is that?

"Hays. Buti nga hindi ako nahuhuli ng dad mo tuwing may kausap sya sa telepono. Pero nagsasabi ako ng totoo, totoo sa narinig ko. May lead na. Malapit mo na syang makita."

Muli akong natigilan. Tama ba ang naririnig ko mula sa kanya?

"Pero hangga't hindi pa sinasabi ng Dad mo, hindi ito confirmed. Bakit hindi mo sya tanungin?"

I emit a long and heavy sigh.

"Magagalit na naman sya sa akin just like what happened before. Pero kahit ganun, I know he loves me kasi pinagpapatuloy nya pa rin ang paghahanap."

"Nararamdaman ko, malapit na. Malapit na malapit na kayong magkita ulit."

Bahagya akong natawa. "Mahirap hanapin ang isang taong nagtatago."

"Gaano ka kasiguradong nagtatago sya?"

"Dahil hindi sya mawawala ng ilang taon kung may balak pa syang makita ako. He'll find ways."

"Tingin mo ba, kaya ka nyang tiisin? Hindi ako naniniwalang tinataguan ka nya. Maniwala ka." She followed that statement an assuring smile.

Hindi na natuloy ang 2nd day ng fair dahil sa insidente. Kaya ito, inis ang mga kaklase kong hindi nakagawa ng assignment sa Math dahil akala nila ay magbabantay kami sa fair.
Nakabusangot ang mga mukha nila ng pumasok akong nakayuko sa classroom.

Hinanap ng mga mata ko ang nagsusulat na si Paris with his long bangs.

But then,

"Layuan mo sya." Hindi pa man ako nakakaupo ay nasa harap ko na si Catastrophe. Malungkot ang itsura nito and I don't know if she's acting or not. Hindi ko na kasi alam ang totoo sa kanya. Sa mga pinapakita nya.

One For The Books Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon