CHAPTER XXIV

13 1 0
                                    

Pagod ang katawan ko pero wala yata akong planong patulugin o pagpahingahin man lang ng isip ko. Yakap yakap ko ngayon ang teddy bear na halos sakupin na ang kama ko. Kasabay nito ay ang pagtulo ng mga maliliit na butil ng luha sa mga mata ko. There's no reason to cry but I just love to. I don't have any idea if he is angry with me, maybe he is. Sino ba namang hindi mao-offend sa sinabi ko? Sya na nga itong nagki-care, ako pa 'tong hindi in-appreciate 'yun.

I'm feeling really really sorry. Naiisip ko pa lang na hahabulin ko na naman sya for him to accept my apology, parang sinisikmuraan na 'ko. Pangatlo o pang-apat ko na ata itong gagawin pero ang hirap hirap pa rin para sakin. Though, I know na kasalanan ko naman.

"Bakit kaya ganun? Bakit kaya kapag nakikita ko syang may kasamang iba, naiirita ako? Kapag ngumingiti sya sakin, kumakalabog ng sobrang lakas yung puso ko? Naramdaman ko na ang ganito before pero hindi kasing tindi ng ngayon." Parang tangang sabi ko sa teddy bear na yakap ko.

"What if I break my promise? Magagalit kaya ako sa sarili ko?"

Tumayo ako at tinungo ang bintana. Malalim na ang gabi at tanging tunog na lang ng kuliglig ang maririnig sa paligid.

"Is there any chance para magkaayos kami? Pansin ko kasi, lagi na lang kaming nag-aaway ni Wanted. Simple things that aren't important."

Napabuga ako ng hangin. Gusto ko syang makausap ngayon. Wala lang. Gusto ko lang ng kausap at gusto kong sya 'yon. Kaso, mukhang tuluyan na syang nagalit sakin. Hindi na siguro ako natiis.

"Hindi ko alam kung bakit ako nasaktan, teddy. Kanina nung iniwan nya 'ko at sumama kay Yris. Parang ang sakit sa loob." Usal ko saka humarap sa lifeless teddy bear na nakangiting nakaharap sakin.

"Siguro na-trauma na rin ako. Nangyari na 'to before at hindi ko alam kung ano bang mas masakit. Yung iniwan ka ng taong mahalaga sayo na clueless ka sa rason o iniwan ka nya at harap-harapan mong nakita yung rason nya para iwan ka."

"Hindi naman kita iniwan na lang basta."

Huh?

"I even followed you here just to make sure that you'll be coming home safe."

No....this can't be....

"And yeah. I heard everything."

"W-what do...you....m-mean?" Nauutal na sabi ko saka napaupo.

NO WAY!

Pakiramdam ko tinakasan ako ng dugo sa buong katawan. Nangangapal ang mukha ko ngayon. Hiyang hiya. Wala kong maiharap na mukha sa kanya.

"I heard everything. Everything that you've said. As in everything. Exactly EVERYTHING."

"Your emphasis with those words might send me to hell... At teka, you're trespassing!"

Wala man akong maiharap na mukha sa kanya, pinilit kong tignan sya ng mata sa mata. Nakakapanghina.

"Trying to change the topic, baby girl?--ow! Shit!" Sapo sapo nya ang balikat ng ibato ko sa kanya ang remote na nasa drawer.

"Lagi mo na lang akong sinasaktan---ow!" Sigaw nya ng ibato ko ang tsinelas ko na tumama naman sa noo nya.

"Sige! Magdrama ka pa at itong lampshade na ang ibabato ko sayo!"

"Talaga?"

"O-oo!!"

"Masisiraan ako ng mukha nyan, baby girl."

"Don't call me baby girl! Wag mo nga kaming pagsabayin ni Yris! Lumayas ka dito! At isa pa, wala akong pakialam kung masiraan ka ng mukha!"

"You sure?"

One For The Books Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon