CHAPTER XL

17 1 0
                                    

"Is that even true?"

"Yes, my dear. Sa oras na magising ka, no one can remember all the things and the memories you built together with him..."

"..... not you and even him."

It's hard for me to stop my eyes from blinking the moment I heard those words. I can't control my tears from falling. I can't control my breathing, it's nowhere to be found.

And I can't control the pain banging inside me. What is this?

"I won't believe you. Never."

"Ok. If that so--"

"Not unless you tell me where Wanted is."

"Why can't you see it for yourself? Learn to wait, Needed."

"Who are you to call me that?"

The man just chuckled as if I said something ridiculous.

"Matatandaan pa ba 'ko ng mga tao sa paligid ko?"

"Just your family. Pero katulad nga ng sinabi ko, maaalala ka nila pero hindi ang ibang taong naging parte ng buhay mo. Maaalala ka nila pero hindi ang mga ala-alang kasama mo sya, ang lalaking pinakamamahal mo."

Sa madaling salita, si dad, Beige at Mendelle lang ang makakakilala sa'kin pero hindi nila maalala ang lahat ng nangyari dati sa amin ni Wanted. Mabubura ang ala-ala ng lahat sa isa't isa bukod sa pamilya ko. Hindi ko makikilala at hindi ako makikilala nina Hera, Aphrodite at Athena. Ni France.

At ni Wanted. Hindi nya ako makikilala. Hindi.

It hurts. Kung magkataon, that will be the most hurtful thing that I'll experience. Just fucking no way. At lahat ng ala-ala ay maglalaho dahil mapapalitan ito ng panibago.

"Anong mangyayari sa pagbabalik ko kung gayon?"

"Magsisimula ang lahat sa umpisa. May mga bagay at taong mananatili pero hindi lahat. You will never know their purpose. Magigising ka na lang na nariyan na sila. At dahil magkakaroon ng pagbabago, may mga bagay na hindi na pwede pang manatili."

"Maaaring hindi na rin nya ako mahalin ulit?" Nasaktan ako sa sarili kong tanong. Rude, Needed.

"Hindi ko alam, hija."

"Paanong...." Nanlumo ako sa kaalamang iyon.

"It's your choice if you'll go back. But again, everything will be erased aside from your existence and all the people whom you have throughout your life journey."

"Pero paano sya? Hindi ko pwedeng makalimutan ang lahat!"

"You have to accept that."

"Paano ako?! Sabihin mong nagsisinungaling ka lang!"

"Nakasulat na sa palad mo ang kapalaran mo at hindi mo na ito mababago. But don't worry, makalimot man ang isip, tyak na hindi ito kayang gawin ng puso." Lumapit sa akin ang matanda then he tapped my shoulder.

"Titibok at titibok pa rin ito sa iisang tao. Sa taong minahal natin ng lubusan, sa taong patuloy pa rin nating mamahalin."

"What are you trying to say?! At sino ka ba?"

"Isang taong hindi mo na dapat kilalanin. Hija, isa lang ang masasabi ko. Magkikita kayong muli at sa pagkakataong iyon, maayos na ang lahat. Babalik ang lahat sa umpisa kaya't gumising ka na at simulan ang buhay. Hinihintay ka na nila. Hinihintay ka na nya sa pagbubukas ng panibagong kwento."

One For The Books Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon