CHAPTER XVI

8 1 0
                                    

10 am. And I'm still on my chair, listening to my teacher.
Yes, 10 am na pero wala pa rin akong ginagawa para makausap ang tila bato kong katabi. Kanina pa 'ko walang naririnig sa kanya kahit man lang paghinga nya. I hope he's not yet dead. Hindi pa ako nakakapag-sorry. Tyaka na kapag nagawa ko na yun. Yeah, I know I'm so mean.
Kung hindi lang talaga kay Mendelle ay hahayaan ko tong ganito kami.
But my conscience had ate me.

I should have do this because I want to bring back our friendship not because Mendelle block mailed me. Sinabi nyang kailangan ko daw i-record ang sasabihin ko at kailangang marinig nya ang reply ko. Ang daming dama ng babaeng 'yon. Psh. Gusto ko na syang kausapin para mag-sorry pero ito ako, pinangungunahan na naman ng kaba ko. Parang may naghahabulang mga daga sa dibdib ko kapag ibubuka ko na ang bibig ko.

What if he reject me?

Then say goodbye

What if he ignore me?

Then say goodbye

Mukhang ayaw nya na rin naman sakin kung ii-ignore nya ko unless pabebe sya, pa-imports or papilit. So what's the point of pushing myself to him? I'm not like him and I'll never be. Basta ang mahalaga ay masabi ko ang gusto kong sabihin. Bahala na sya sa buhay nya.

"Ahm, P-pa--"

"Ah shit, ang init." Usal nya saka bahagyang inurong ang upuan nya palayo sa akin.
Air conditioned ang room, bugok! Nanlalamig na nga ko dito dahil sa coldness mo sakin!
At ito na naman kami. Nangyari na 'to before. Alam na alam nya talaga pag hirap na hirap akong magsalita sa kanya at inaabuso nya 'yon. Umiiwas na naman sya. Grr! Pinahihirapan nya talaga ako!

It's now the battle of simply—well it's not simple for me—saying sorry or letting my sister invade my peaceful life. I mean, the other sister. The heck.

"Ahm, P-pa---"

"May balak ka bang sabihin?" Halos mapatalon ako sa gulat nang magsalita sya. Kanina ko pang first period sya hindi hinaharap kaya naman a brilliant idea popped up to my head. I can see on my PV naman that he's looking at me... Intently.

How I miss his damn good sexy voice! Sana boses na lang sya para lagi syang sexy. Fudge.

"Pa... Pa.. Pakiabot naman 'to kay Janice." Usal ko kay Nisha na nasa harap ko na nakikinig sa teacher namin. Bahala na kung anong madampot ko sa bag ko.

Nilahad nya ang kamay nya saka ko nilapag ang sandwhich na baon ko.

Wait, sandwhich? Sa lahat ba naman ng ibibigay, sandwhich pa!??

"Kay Janice?" Tanong ni Nisha.

"O-oo..."

"Eh nasa kabilang row sya eh. Ka line mo kaya dapat sa right side mo ipapasa. Ayan o, kay Wanted."

Pakiramdam ko, pinamulahanan ako ng mukha. Bwiset! Nakakahiya!

"E-eh kasi, nahihiya ako eh." Anong rason yon? Nakakahiya pala ang pagbibigay ng sandwhich? Ay oo nga pala. Nakakahiya kasi di naman kami close ni Janice.

"Ikaw na beshie. Baka mapansin tayo ni Ma'am." Isinauli nya ang sandwhich sakin. Shete, ramdam ko pa rin ang pagkapahiya dahil hanggang ngayon, nakatingin pa rin sa akin si Paris.

"Tss, baka maging santa ka na nyan. Ang bait mo naman ata para mamigay ng sandwhich sa hindi mo kaibigan."

Ano daw?!

Napalingon ako sa kanya at mataman na syang nakatingin sa harapan.
Bwisit.

Ah, pag sya pwedeng magsabi ng kung ano-ano tas pag ako hahadlangan nya?! Nakakainis! Nag-focus na lang ako sa pakikinig sa teacher ko. Actually, nabasa ko na naman na ang Little Prince ni Antoine de Saint-Exupéry nung bakasyon pa pero gusto ko pa rin syang pakinggan from my teacher who's actually having fun teaching us.

One For The Books Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon