CHAPTER XVIII

12 1 0
                                    

Abala ako sa pagbabasa ng libro nang biglang dumating ang gay naming teacher sa ESP. Magiliw syang bumati saka nagpaskil ng magarbong visual aids. Pinagmamasdan ko lang ang masaya nyang ngiti na parang walang sino man ang makakaalis noon sa labi nya. It gives me good vibes.

"May exam tayo next meeting so I hope na mag takedown notes kayo. A friendly reminder class."

Nagsimula na syang mag-discuss habang wala sa sariling nakatitig sa alapaap ang katabi ko.

"Uy, Wanted. Ok ka lang?"

He did not reply. Wala nga sa sarili.

"Wanted?"

"H-huh? Ah oo!"

"Psh. Ano bang nangyayari sayo?" Sa panahong ito, tahimik lang kaming nag-uusap upang hindi mapansin. Nasa likod rin naman kami.

"Wala naman. Teka, napag-isipan mo na ba?"

"Ano ka ba? Agad-agad naman. Atat ka masyado."

Humarap sya sakin. Hays, ang sarap lang talagang tanggalin nung bangs nya. "Naninigurado lang." Nakangising sabi nya.

"Sus. Gold ba yung notebook na yun that it almost costs my worthless life?"
Nakasimangot naman na sya ngayon. Hindi na naman maganda ang timpla.

"Wag ka ngang nagsasalita ng mga ganyan sa sarili mo. Kung worthless ang tingin mo sa sarili mo, ganun din ang magiging tingin sayo ng ibang tao."

"Gasgas na yang litanya mo. Isa pa, I don't care."

"But I do."

Napatigil ako sa aking narinig.
Natutop ko ang bibig ko. Wala nang pumapasok sa utak ko kaya wala na akong masabi.

"Basta, don't ever say that again. Got it?" On that tone, I think he really wanted me to obey what he had said. Psh, he's acting like my superior right now. Wala sa sariling napatango ako. Kakaibang epekto, Dela Cerna.

"Eh ano na bang pasya mo?" Ayan na naman ang topic.

Sa totoo lang, I love his idea. Greece is one of the places I wanna see before satan take me to his paradise. Greece is such a lovely and peaceful place.
But, hindi ako sigurado kung dapat akong sumama sa kanya. Ibang level na kasi ito. kung buti ba sa Pinas lang, kahit dalhin nya pa ako mula Apari hanggang Julo, ok lang. Importante pa rin ang buhay at hindi ko hahayaang kay mangyari sa akin na masama ng hindi ko nakaharap o nakausap man lang muli ang lalaking matagal ko nang hinihintay.

Hindi naman natin masasabi ang pagkakataon. It's better to be safe than sorry. Naalala ko tuloy, matagal na nga rin pala akong naghihintay sa wala. Ang tibay ko naman masyado.

"I see."

"Huh?"

"I'm willing to wait. Kahit after moving up. Next year or kahit ilang centuries pa, basta ikaw ang kasama, ok lang." Umukit ang inosente at matamis nyang mga ngiti.

He doesn't have a clue that behind that innocent smile, there's someone here that can die effortlessly anytime. I feel like I'm gonna collapse. Fudge.
Minsan na 'kong na-fall sa loaded basket filled with different flowery words.

"Ok...." Mahinang usal ko. Naubos na ang mga salita sa dictionary ko bukod sa kumakalabog na naman ang puso ko ngayon dahil nananatili pa rin syang nakangiti at matamang nakatitig sakin. Nag-focus na lang kami sa pakikinig sa teacher namin.

"Ang sakit ng mga kamay ko." Bulong nya na syang kinagulat ko nang dumampi ang hininga nya sa tainga ko.

"A-ano bang ginawa mo?"

One For The Books Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon