CHAPTER XXV

7 1 0
                                    

Ngayon na ang birthday ko pero hindi man lang ako nakaramdam ng kahit katiting na excitement. Ilang araw nang hindi nagpaparamdam si Wanted after he cried that night. Mula ng gabing 'yun, wala na 'kong ibang ginawa kundi ang umiyak. Sobrang sakit sa puso yung ginawa nyang 'yun sa harap ko. Ngayon alam ko na na hindi por que umiiyak ang lalaki ay mahina na sila. Lahat naman ng tao may karapatang umiyak. Lahat may karapatang mag-express and we don't have any rights para i-judge sila sa way nila ng pagpapakita ng nararamdaman nila.

Boys are boys. They may be strong on their appearance but believe me, they can be weak inside specially when they're hurting.

Hindi ko rin alam kung may alam ba sya sa past ko. Between me and France but it's clearly obvious that he already has the hint sa tanong nya.

Mahal mo pa ba sya?

Hindi ko alam. Mahal ko sya at hindi na mawawala 'yun pero bakit parang may nag-iba? Bakit hindi ako nasasabik na makita ko sya ulit? Bakit parang mas hinahanap ko ngayon si Wanted? Bakit hinahanap sya ng sistema ko? Sya ang mas gusto kong makita sa mga panahong 'to? Sya at hindi si France.

Tatlong araw na 'kong hindi pumapasok. Pilit akong kinukumbinsi ni Dad na pumasok at sa tuwing io-open nya ang topic about my past, pilit ko na lang iniiwas. I don't want to talk about France right now. I need to fix the things between me and Wanted.

Yes. I'm in love with him and I'm sure of it. Pero hindi ko alam kung mahal nya rin ako. Natatakot ako.
Sabi nga sa amin ng Values Ed teacher namin, ang mga bagay ay nangangailangan ng matalinong pagdedesisyon. Walang ngang mali sa pagkakamali kung meron ka namang matutunan pero hindi naman tama yung gustuhin mong palagi kang magkamali sa paniniwalang may matututunan ka naman. Don't take it as ok. Yes, mistakes are the best teachers but once will always be enough. Kapag nagkamali ka na ng once, matuto ka na. 'Wag mo nang ulit-ulitin dahil katangahan na ang tawag doon.

Well, on my case, I've been in this situation before. Nagkaroon ng kaibigan, na-in love, tapos nasaktan.   Nakakatakot na kasi talagang magmahal sa panahon ngayon. Yung akala mo sya na, akala mo deserve nyo na ang isa't isa pero at the end of the day, lumuluha ka ng mag-isa.

Tapos, kung kailan ok ka na, kaya mo na, tyaka na naman parang tangang magmamahal yung puso mo. Sadyang hindi nga talaga natuturuan ang puso. Magmamahal at magmamahal ito hangga't gusto nya. Magmamahal at magmamahal ang tao para makamtan ang kaligayahang nais nito.

"May bisita ka, anak." Bungad ni Manang Tere pagbukas nya ng pintuan. Napabalikwas ako ng bangon at ni hindi pa nga ako nakakapag-react ng makarinig ako ng mga tili.

"Beatriz!!!!"

"Kyaaaaah!!"

"Oh god!"

"Anong nangyari sayo?" Ani Hena.

Hindi ako sumagot. Ayoko muna ng kausap ngayon. Teka, how did they know my address?! Bumalik ako sa pagkakahiga at nagtaklob ng kumot. I'm so mean.

"You can leave." I said.

Pero sadya nga atang makukulit ang mga ito. Imbis na umalis ay nagsisampahan pa sa kama ko.

"Argh! Pwede ba?! Wala ako sa mood para kausapin kayo. Please, leave me alone." Iritableng sabi ko.

"No. Hindi tama yang ginagawa mo." Madiing sabi naman ni Athena.

"Wala kang alam. Kayo, rather."

"Oo. Hindi namin alam ang eksaktong nangyari pero alam naming may mali. Ilang araw ka nang absent at yung siraulo mo namang kaibigan ay hayun, halos hindi na inaalis ang kamay sa bewang ni Catastrophe. So I must say na may mali nga. Am I right?"

One For The Books Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon