CHAPTER XXVI

5 0 0
                                    

Napakabagal ng lakad naming dalawa na parang kami lang ang tao sa daan. Magulo ang paligid pero mas magulo ang takbo ng puso ko. Parang ang solemn lang talaga ng lugar na 'to dahil sya ang kasama ko.

Naaalala ko 'to. Nagpunta na rin kami dito noon. Manila bay.

"Anong bonding nyo ng family mo before?" Napatingin ako sa kanya.

"Broken family kamo."

"Needed---"

"Wag mo 'kong kaawaan. At kung itatanong mo ang about sa parents ko well nagkakamali ka. It should be 'parent' and not parents."

Nakikita ko ang awa sa mata nya.  Masakit sanggain ang ganoong titig. Ang ganoong mga mata.

"Mind if I ask about your past? Wag lang doon sa lalaking matagal mo nang hinihintay--"

"Ok. Since you're a friend of mine,"

"Friend lang?"

Napatanga ako sa sinabi nya.

"A-ano bang... Gusto mo?"

"Eh Basta. Ayoko ng friend lang." He said while pouting doing his oh so cute baby talk. Damn!

"Arte mo eh no. Ano ba kasi?"

"Friend."

"Huh?"

"Friend by now. Your husband by future."

"Sira! Puro ka talaga kalokohan!"

"Baby girl---"

"Stop that baby girl! Wag mo ngang sirain ang araw ko!"

"Gabi na kaya."

"Che! Pilosopo. Eh di gabi! Basta!"

"Kinikilig ka lang eh. Yieeee, baby girl---"

"Shit! Tumigil ka nga!"

"Kinikilig ka eh. Yieeeee. Aminin mo na, Needed."

"Hindi no! Assuming!"

Lihim akong napangiti. Ang hirap nga talagang magtago ng kilig.

"Kinikilig ka."

"Hindi nga."

"Kinikilig ka eh. Yieee.."

"Hindi nga!"

"Kinikilig ka---"

"Eh ano naman ngayon?!"

Sya naman ngayon ang napatulala sa harap ko.

"Eh di tulala ka ngayon. Kulit mo kasi eh." Usal ko saka naglakad habang naiwan syang nakatitig lang sakin.

"Hintayin ko ang pagbabalik mo sa dating ikaw." Natatawang sabi ko.
Ilang minuto din ang tinagal bago ko muling naramdaman ang presensya nya sa tabi ko.

"Kwento na dali."

"Ayaw."

"Kinikilig ka----"

"Bwisit na yan! Ayaw ko nga!"

"Kwento na kasi."

"Ng alin ba?"

"About your mother."

"Not worth our time."

"Needed."

"Stop that tone. Hindi uubra sa'kin yan." Naging seryoso muli ang aura naming dalawa. Sa totoo lang, wala naman nang kailangan pa talagang pag-usapan eh.

"She's still your mother. You can't change that fact."

"Yes. She's my mother. A mother on my birth certificate."

One For The Books Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon