CHAPTER XIX

8 1 0
                                    

Napabalikwas ako ng bangon nang marinig ko ang pagbukas ng pintuan.
"You ok?" Bumungad sa akin si Dad na may dalang pagkain.

"Mag-almusal ka na." Napaupo ako bago inayos ang sarili.
Tinitignan lang ni Dad ang bawat galaw ko.

Teka, bakit nasa kwarto ko na ako? Sinong...?

"Bilisan mo na. Someone's waiting for you." Nagtatakang tinignan ko sya.

"Dad? Sinong nag-uwi sa akin dito?"

"Aba malay ko. Pag-uwi ko kagabi, nandyan ka na sa kwarto mo." Humalukipkip sya.

"Alam kong hindi ka magku-kwento kaya hahayaan ko na yan sayo. But I'm always here for you, my daughter." Lumapit sya saka ako hinalikan sa noo.

"Mauna na 'ko. Hinahanap na 'ko ni Mr. Legazpi." Ang Mr. Legazpi na sinasabi nya ay ang business partner nya. Ilang linggo nga ba syang nasa New York? Hindi ko na alam. Masyadong preoccupied ang utak ko nitong mga nakaraang araw because a lot of things happened.

"Ok dad. Take care." Ngumiti sya sa akin. "I want you to always be happy." Huling sabi nya bago sinara ang pinto.

Sa pagkakangiti nya at sa huli nyang sinabi, parang alam ko na kung sino ang naghihintay sa baba.
I immediately ate the food given by my father before I took a bath.

*****

"Saan tayo?" Tanong ko sa nakatalikod na si Wanted.

"Huh?" Nagtatakang humarap sya sakin.

"Dinaanan lang kita. Akala ko kasi ay wala ka pa sa dito since kagabi mo pa hindi sinasagot ang mga tawag ko. Diba sinabi ko sayong sumunod ka sa parking lot? Saan ka ba----"

"So hindi ikaw ang naghatid sakin dito sa bahay?"

"Huh? Anong sinasabi mo?"

Hindi nga sya. Wala na kong maalala bukod sa huli naming pag-uusap ni Catastrophe at ang pag-iyak ko.
Namulat na lang ako na nandito na 'ko sa bahay. Eh, sino nga kaya ang nagdala sakin dito?

"Don't worry. You're safe." Isang kataga ang biglang naglaro sa isip ko. Boses ng isang lalaki na kay lalim. Boses ng isang lalaking hindi kagaya ng kay Wanted.

"Ano bang nangyayari sayo?"

Napabalik ako sa realidad. Sa realidad na hindi maaaring sya ang taong iyon. Sa realidad na hindi na sya babalik. Sa realidad na kailangan ko pa palang mabuhay kasi kahit ang sakit na, kahit mali na, kahit nagmumukha na akong tanga, naghihintay pa rin ako sa isang realidad na malabo nang magbalik pa sya. Sa realidad na patuloy pa rin akong umaasa.

Nakabalik na naman pala ako sa realidad na hindi ko pa pala kayang talikuran ang lahat ng ala-ala. Ang tanga lang, bumalik na naman ako sa realidad kung saan iiyak ako at sasabihing, "akala ko tapos na. Akala ko nabuhos ko na lahat ng pwedeng i-iyak."

Tama naman ang lahat ng tao sa paligid ko. Bakit nga ba? Bakit despite of all the things I know, I'm still willing to wait? Bakit kahit one percent na lang ang chance, nagpapatuloy pa? Bakit kahit nagpa-power off na, kina-cancel pa? Bakit ko nga ba pinipilit pa?

"Hey?" At ayan. Nandito na nga pala ako sa realidad.

"B-bakit ka umiiyak? Did I scare you?!" Natatarantang Wanted ang kaharap ko ngayon. "Ah shit! Naiwan ko sa kotse yung panyo ko."

Lalong lumakas ang paghagulgol ko.
Naramdaman ko ang mainit nyang yakap na nakapagpahinto na naman ng mundo ko.

"Shhhh.. Sabi naman sayo, ayokong nakakakita ng babaeng umiiyak." Saad nya saka hinagod ang likod ko. Unti-unti na akong kumakalma pero patuloy pa rin ang pagtulo ng luha ko.
I'm so weak. Iniisip na siguro nyang baliw na 'ko para umiyak ng ganito sa harap nya. Ay mali, ng kayakap nya.
Sobrang warm ng katawan nya. Very huggable man. Matagal kami sa ganoong sitwasyon. Dapat nao-awkward ako pero hindi. I'm just loving the feeling. One of the best hugs I ever had in my life and I'm thankful 'cause I had it because of him.

One For The Books Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon