"Ouch!"
"Sorry po, Ma'am!"
"Hindi, ok lang."
Sumasakit na ang anit ko sa pinag-gagagawa nila sa buhok ko. Kung ano-anong treatment ang nilalagay nila basta gusto ko, paglabas ko ng parlor na 'to, black, thick and silky na ang buhok ko.
Bakit nga ba?
"Wag nyo naman hong saktan ang anit nya! Masakit na nga ang puso nya dahil sa nakita nya kanina----"
"Hena, mananagot ka talaga sakin pag natapos ako dito!!"
Kanina pa kasi nila pinagpipilitang tatlo na nagselos ako sa nakita ko.
Peste. Wala akong karapatan para magselos. Walang karapatan pero nagseselos."Sorry na. Isipin na lang nating lahat na wala kang nakita." Alo naman ni Athena. At nagawa pa nyang pagtakpan ang kapatid?
"Oo nga. Kunwari hindi natin nakitang ang sweet nila. Nakaakbay si Paris kay Yris. Yung ganun..." Sabi naman ni Aphrodite habang nakahalukipkip.
"Pero in fairness, di ko alam na ganun pala sya kagwapo without his bangs. Grabe, ang pogi! Parang gusto ko tuloy ulit sundan sundan sya, parang nagbabalik ang dati kong pag-ibig sa kanya---"
"Shut up, Hena. May kasunduan tayong apat, remember?"
"Anong kasunduan?" Tanong ko.
At apat? Sino ang isa?
"Ah, wala." Usal ni Aphrodite saka hinila ang tatlo paalis. Umiiwas.
Ilang oras ang tinagal nang matapos kami. Balik na naman sa black ang buhok ko. Straight na. silky na rin dahil siguro sa kung ano-anong treatment. May binigay sila sa'king shampoo for thickness of hair.
They used blower too kaya natuyo rin ang buhok ko.New look.
"Emegesh! Nasayo talaga ang literal na simplicity is beauty!" Masayang sabi ni Athena.
"Magpapa-ganyan nga rin ako----"
"Don't you dare, Hena. Mamaya ay itakas mo na naman ang pambayad ng dorm."
Masama kong tinignan si Hena. Seriously? Ginastos nya ang pambayad sa dorm nila para parehas kami ng look noon?
"Paano ako mamahalin ni Chanyeol?!" Tila nagta- tantrums na sabi nya.
"Tumigil ka na nga sa Chanyeol Chanyeol na 'yan! Di ka naman kilala 'nun! Hala bira, punta kang South Korea ngayon na. Jusko naman, Hena." Halata na rin ang inis na sabi Aphrodite.
"Kung makapagsalita ka, kala mo naman kilala ka rin ni Nimingho!"
"Excuse me Hena, it's Lee Min Ho. Saan mo naman napulot ang kababuyan sa pangalan na yan?"
"Parang mga timang. Pagpasensyahan mo na ang mga yan, Beatriz. Kala naman nila mamahalin sila ng mga lalaking 'yan."
"Wow, Athena!" Sabay na sabi ng dalawa.
"Makaasta kala mo mamahalin ka rin ni Gong Yoo!"
Sumasakit na ang ulo ko ngayon hindi lang dahil sa ingay nila kundi dahil sa mga pangalang sinasabi nila na di ko naman kilala.
"Saan tayo next?" Segway ni Aphrodite.
"Bibili tayo ng make-up." Usal ko.
"God. Transformation nga ito." Mahinang sabi naman ni Hena.
Medyo hirap na rin ako sa bitbit kong 20 paper bags na puno ng iba't ibang gamit. Bags, dresses, shoes, and accessories. Pumasok kami sa isang shop na puno ng make ups.Agad akong kumuha ng lip tint for Aphrodite. Pinkish na rin naman kasi ang labi nya.
"Oh, for you. Don't ever use a crepe paper again, ok?" Napatango na lang sya. Speechless ata sa saya.

BINABASA MO ANG
One For The Books
General FictionPast is what makes the present because there will be no present if there's no past. There will be no butterfly if there's no caterpillar, there will be no light if there's no darkness. There will be no leader if there's no member, there will be no n...