CHAPTER XXXVIII

7 0 0
                                    

✴BEIGE'S POV✴

"Ano?! Kaya ka gumaganti sa akin ngayon dahil wala nang yaman ang Dela Cerna na 'yon? Walang maipamana sa'yo at walang maibigay sa ina mong gold digger! Bakit? Hindi ba maibigay iyon ng tunay mong bastardong ama na nabubulok na ngayon sa kulungan?!"

"HOW DARE YOU——AAARGHHH! FUCK YOU, MIGUEL!!!"

Oh my God! Hindi tunay na magkapatid sina France at Wanted!

"I don't give a damn! Ngayong alam mo na, wala ka nang karapatan pang magalit sa akin dahil wala akong sino mang pinatay! Ninakaw ko ang yaman ni Dela Cerna dahil gusto kong magdusa kayo!"

"Dahil hindi mo rin matanggap na namamangka sa dalawang ilog ang asawa mo!"

"Wala akong pake!"

"Hibang ka na! Baka hindi ka naman talaga minahal ng asawa mo! Hindi nya babalik-balikan si daddy kung mahal ka talaga nya to think na may anak pa kayo!"

"Sinabi nang wala akong pake! Wala akong pake kung hindi nya ako minahal! Ang mahalaga, ako ang pinakasalan nya!"

God! What the hell is happening to my dad? Nabulag na sya sa pagmamahal kay mommy. Masyado na syang nagpapaka martyr! I can't even take that!

"Ang asawa mo dapat ang kagalitan mo at hindi si daddy! Ibalik mo ang yaman nya——AAAARGH!!! SHIT!!"

"Dapat lang syang mawalan ng yaman! Ayaw nya ring tantanan ang asawa ko! Kahit sila ng ina mo matapos mamatay si Riane, binabalik-balikan nya rin ang asawa ko dito! Ibig sabihin, hindi nya rin naman magawang mahalin ang ina mo!"

"Hindi ako kailanman maniniwala sa'yo! My mom told me na ikaw ang pumatay sa ina ni Paris!"

"KASINUNGALINGAN! Puro kasinungalingan na naman ito ni Donita! Palibhasa, hindi nya matanggap na hindi rin sya kayang mahalin ni Cedric!"

"BASTA KASALA——AAARGH!" Pumilipit sa sakit si France nang malatayan syang muli.

Si mommy nga talaga ang naunang minahal ni Mr. Dela Cerna. Nasundan ni Mrs. Riane Dela Cerna which happens to be Paris' mom at nung nagpakamatay iyon, si Mrs. Donita ang sumunod na naging asawa na sya namang ina ni France. At ngayon, naghihiganti si France dahil kinamkam ni dad ang yaman ni Mr. Dela Cerna at wala nang maipamana sa kanila. Maaari kayang umayon si Paris sa plano ni France dahil ang buong akala nya ay pinatay ni dad si Mrs. Riane Dela Cerna? Biktima lang rin sya ng kasinungalingan!

At si mommy....si Mr. Dela Cerna nga kaya ang tunay nyang mahal? Bakit nya pinakasalan si daddy?

"Matututunan din akong mahalin ng asawa ko."

"Patay na sya Miguel! Patay na ang asawa m—— AAARGH!!!!"

"Shit. Mamamatay na yata ang isang 'to. Anong gagawin natin, Beige?" Bulong ni Mendelle na kanina pa walang imik.

"Hindi ko rin alam, Mends."

"Ayoko ng ganitong klase ng pagmamahal ni dad."

"Gano'n nya lang talaga kamahal si Mom kaya kahit hindi sya minahal ni mommy, mahal nya pa rin ito. So he was just pretending that mom loves him all along?"

"Definitely." Mahinang sagot nya.

"BALIW KA NA, MIGUEL!"

"Oo! Baliw na nga ako kaya't papatayin na kita ngayon! Para 'to sa balak mong pagpatay sa anak ko sa New York! Para 'to sa balak nyong pagpatay kay Beatriz at dalhin sya sa Greece! Hindi ko hahayaang maunahan mo 'ko——"

"Wala akong pakialam kung papatayin mo 'ko ngayon dahil sigurado naman akong nauna nang namatay ang anak mo sa kamay ni Paris! HAHAHAHAHA!!!"

"SHUT UP!"

One For The Books Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon