CHAPTER XIII

21 1 1
                                    

"NEEDED!!"

Agad akong napalingon sa pinanggagalingan ng boses. Napakunot ako ng noo ko when I saw Paris walking towards me. Muli kong pinaling ang ulo ko sa kaliwa ngunit wala na sya doon. Wala na sya. Wala na.

Iisipin ko na lang na isa lang iyong guni-guni. Kung talagang nandito sya, bakit hindi nya 'ko nilapitan? Kahit man lang anong salita, wala akong narinig. Basta na lang syang nawala.... ulit. Ang sakit lang.

"Uy!" Isang pulgada na lang ang lapit ni Paris ng umabante ako.

"Subukan mong lumapit!" Banta ko saka sya tinitigan ng masama.

"What!?" Hinahabol pa nya ang hininga ng singhalan nya 'ko. At sya pa ang may karapatang magalit?!

"Wag kang lumapit sa'kin, baka anong magawa ko sayo." I'm trying to gain my composure pero hindi ko maiwasang magningas na naman ang galit sa katawan ko.

"What the hell are you talking about?!"

Wow. Just wow. Wala ba syang alam sa ginawa nya?

"Look, if this is about why I left you here, it is beca--"

"I don't need your explanation. Iuwi mo na 'ko. Ayoko na sayo."

Akmang lalapit na naman sya ng muli akong umabante.

"Don't you dare touch me." I said with authority para matakot sya. Sumandal sya sa pintuan ng kotse.

"Ito pala ang gusto mo. Yung mamuhay sa sarili mong paniniwala sa mga bagay. Yung sarili mong pinaniniwalaan ang paniniwalaan mo habang buhay. Bakit? Bakit ayaw mong pakinggan ang side ko?" I don't know why but guilt suddenly appeared on my chest. Fudge.

"Masisisi mo ba 'ko?" Nagsimula na namang tumulo ang luha ko. Akala ko ubos na. Lifetime supply ata 'to ng luha from La Mesa Dam and Reservoir.

Nakita ko ang pagkabahala sa kanya ng makitang umiiyak na 'ko. Akmang lalapit sya muli pero pinigilan ko, "Kahit ngayon lang, ako naman yung pakinggan mo. Ako naman yung sundin mo at hindi yang sarili mo. Iuwi mo na 'ko. I hate you for being so selfish." Kahit nakikiusap, I tried to be sounded like commanding.

"Selfish? Naririnig mo ba ang sarili mo? Am I that selfish kung kaligayahan mo lang naman ang iniisip ko?"

"Really? Kaligayahan ko? Tignan mo nga oh! Tingin mo masaya ako ngayon?"

"Iyon na nga eh! You're supposed to be happy pero kasi ayaw mo muna akong pakinggan! What's wrong with listening?"

"Mali? Nadadagdagan lang ang kasinungalingang mas magandang 'wag na lang pakinggan!"

"Ano bang nangyayari sa'yo?" Halata na ang inis at awa sa itsura nya. The way he looks at me. Mukha na ba 'kong kaawa-awa?

"Please." Humugot sya ng malalim ba buntong hininga saka pumikit.

I was expecting him to agree but, "NO." madiing sabi nya.

"Hangga't hindi mo 'ko pinakikinggan, hindi kita iuuwi."

Bahagya akong natawa. "Stop threatening me. Iuwi mo na 'ko. The last time I beg you for this, hindi mo ginawa." Inantay ko ang respond nya pero nakatitig lang sya sakin na parang inis na inis. "Ok. Kung ayaw mo, ako ang uuwing mag-isa." I'll make sure na makakaalis ako dito sa lalong madaling panahon. Hindi ko na matagalan ang presensya nya. I hate him very much.

"I said, NO."

Madiin pa rin ang pagkakasabi nya saka pabalibag na isinara ang pintuan ng kotse. "Makinig ka muna."

"Ayoko nga."

"Kaya kita iniwan ay dahil may babaeng humingi ng tulong."

Muli akong natawa sabay pagtulo ng luha ko. "Are you expecting me to believe your joke?!"

One For The Books Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon