CHAPTER XXX

8 1 0
                                    

"Sinong nandito?" France asked then gave them a confused look.

"Sila ano...." Hindi naman malaman ni Hena ang sasabihin.  Naramdaman ko ang kamay ni France sa wrist ko at saka ako hinatak palapit sa kanya. "What do you think you're doing?" I asked him.

"We need to go." Madiing sabi nya.

Nakamasid lang samin ang tatlo na halatang maraming gustong itanong. Hindi nga pala nila kilala si France.

"Ayoko. Hindi tayo aalis dito."

"Beatriz! Wag namang matigas ang ulo. We need to go!"

"Let go of me!" I shouted.

"Ano ba? Masasaktan ka lang sa ginagawa mo eh!"

"I don't care! At ang kapal ng mukha mo para maging concern ng ganyan sakin. Diba sinaktan mo rin naman ako?!"

"It's not the right time to talk about our past! Kailangan na nating umalis."

"No way! B-bakit? Bakit mo pa ba ginagawa to? To return the favor? Para makabawi ka sa ginawa mo? Bitawan mo 'ko!" Sigaw ko saka nagpumiglas pero sadyang malakas talaga sya kaya wala akong nagawa.

"Beatriz! Kahit ngayon lang pakinggan mo naman ako! Can't you see? Ginagawa ko 'to 'cause I don't want you to get hurt same as what I did!"

"Hindi. Walang aalis! Bakit? Para ipamukha na duwag ako? Na hindi ko sila kayang harapin? O dapat ba 'kong mahiya kahit wala naman akong ginagawang masama sa kanila? Ano?!"

"Hahahahaha! Wanted! Ano ba?"

Pare-pareho kaming napatigil nang marinig namin ang pamilyar na boses.
"Ibaba mo na 'ko, Babe!" Napantig ang tainga ko nang marinig ko ang katagang 'yon. Sa landi pa lang ng pagkakasabi, alam na kung kanino iyon nagmumula.

"Malapit na tayo."

Para akong natanggalan ng mga buto sa tuhod. Tila ba unti-unti akong nalulusaw sa usapan na iyon. Lahat kami, nakatulala at inaabangan na lang ang pagkikita-kita namin.

"Nabibigatan ka na----"

Silence came and we all went stilled.

"---ba?" Huling sabi ni Catastrophe.

Napatigil din sila nang makita kaming lima. Maingat na binaba ni Wanted si Catastrophe saka kinuha ang towel at pinunasan ang tuhod nitong may kaunting lupa. Inayos nya rin ang sintas ng rubber shoes nito. Masyadong masakit sa mata ang nakita ko pero pinilit kong titigan pa rin ang bawat kilos nya sa girlfriend nya. Kung pwede lang pumikit at 'wag nang dumilat pa. Sobrang sakit lang.
Martyr nga siguro ako. Sinasaktan ko lang naman yung sarili ko. I don't know if this is about my pride or whatsoever. Hindi ko akalaing mamamana ko ang pagiging martyr sa daddy ko. Sobrang nasasaktan ako sa totoo lang. Gusto kong magsisisigaw ulit. Feeling ko hindi pa sapat yung ginawa ko kanina. Yung pakiramdam na dapat ako 'yon. Dapat sa akin sya sweet. Pero sinayang ko ang lahat. Ang laking gaga ko talaga.

"I told you, we need to go." Bulong ni France pero hindi ko sya pinansin. Wala akong pake sa kanya. At baka nakakalimutan din nyang ginago nya 'ko?!

"Oh! Hello there, guys. Wow! sa lahat ba naman ng pwedeng pagkakitaan, akalain mong dito pa? What a coincidence!" Masayang sabi ni Catastrophe tyaka lumapit sa amin.

Sa tono ng pananalita nya, mukhang gusto nyang ipamukha sa akin na hindi coincidence ang magkita-kita kami rito dahil sa kakaibang dating ng mga salita. How sarcastic. Mukha na nga syang barbie ngayon eh. Made of plastic. Isa pa, kung iyon man ang iniisip nya, then malaking pagkakamali. Bakit ko naman sila susundan eh nauna kami? Tanga lang? Nauna pa 'ko sa sinusundan ko? And may mapupulot ba 'ko kung aalamin ko kung ito pala ang binabalak nilang lugar para sa date nila? Duh! Magsama sila ng hinayupak na Wanted na 'yan!

One For The Books Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon