CHAPTER XXIX

14 1 0
                                        

"Bey, France is here."

Para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa balitang iyon. I don't know what to do. I just don't.

"W-what?"

"Naghihintay si France."

Kumalabog ng malakas ang puso ko. Gusto kong maihi, magtago, magpakain sa lupa, maglaho na parang bula, whatever.
Sobra akong kinakabahan. Lahat ng plinano kong gawin sa pagbabalik nya ay hindi ko na mahagilap sa utak ko. Wala nang nagsi-sink in sa utak ko. I can't even find a word to describe my exact feelings right now.

And, I hate it.

Shit. Hindi ko inaasahan to!
Anong ginagawa nya dito?

"N-nasaan daw sya?"

Lumapit sakin si Mendelle.

"Nasa ano...."

Lintek na yan. Pabitin pa.

May nararamdaman akong kakaiba sa pagtitig nya. Feeling ko, makakasapak ako.

"Nasa puso mo, naghihintay sayo?"

Naibato ko sa kanya ang plato.

WHAT a boring day. Gustong gusto ko nang pumasok! Kapag nandito lang ako sa bahay ay wala na 'kong ibang ginagawa kundi ang mag-isip ng mag-isip. Nagpapaalala sa mga nangyari sa nakaraan.

Miss na miss ko na sya. Sobra.

Miss na miss ko na ang nakakairitang lalaking yun. Parang tanga na nga akong nag-iimagine dito na one day, dadalawin nya 'ko dito sa bahay at sasabihing,

"Needed, ikaw talaga ang mahal ko. Pwede mo ba kong bigyan ng chance?" Hays. Nakakaiyak lang.

Hanggang imagination na lang ata ang lahat. Imagination na maging kami. Imagination na bumalik sya.

"Bey, may bisita ka."

"Mendelle, pwede ba wag mo naman nang sirain ang araw ko!"

"Bahala ka sa buhay mo! Sinabi na ngang may bisita ka! Bwisit!"

Pabalibag nyang sinarado ang pintuan ng kwarto ko. Bad idea of breaking my door, after all.

Nagtaklob ako ng kumot. Wala akong panahong makinig sa kasinungalingan nya——

"Needed,"

Tila na-froze ako sa katagang 'yun.

N-needed?

"Needed,"

Shit. Am I hallucinating once again?! Not now please! Hayaan nyo naman muna akong mag move-on!
Naramdaman ko ang kamay na humila sa kumot ko.

"Go away!" Bulway ko. Shit. Hindi ko sya kayang harapin. After all the things he did?!

"Anong nangyayari sayo?"

Huh?

Napabalikwas ako ng bangon.

"Ang mean mo sakin, Idol! Kainis ka."

In just a single snap, napabalik ako sa reality. "Anong ginagawa nyo dito?"

"Ay, ayaw mo ba kaming makita?" Athena asked.

"Hindi naman sa ganon, pero nakakahiya lang na pagkatapos ng lahat ng sinabi ko the last time we talked, dumalaw----"

"We don't care. Kami nga ang dapat mag sorry. Hindi namin agad sinabi ang lahat ng nalalaman namin." Aphrodite said. Sabay sabay silang naupo sa kama ko.

"Sorry."

Napabuntong hininga ako. Kung ano mang nalalaman nila, wala na kong balak pang alamin. Huli na ang lahat at hindi ko sila maaaring sisihin sa ending ng story namin ni Wanted.

One For The Books Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon