CHAPTER XXXVII

15 0 0
                                    

NEEDED'S POV✴

Napatingin ako sa wristwatch ko. It's already 11:35 pm. Ang usapan, 10 pm pero hanggang ngayon wala pa rin sya dito. Ang Wanted ko. Nanginginig na 'ko dahil sa lamig ng simoy ng hangin. Nakaupo lang ako sa gilid ng lapida ni mommy at ninanamnam ang lamig na bumabalot  sa balat ko.

Ilang sandali na rin ang lumipas pero wala pang balita sa akin ang dalawa kong kapatid. Sobrang nag-aalala na 'ko sa kanila. Hindi ako maaaring tumawag dahil baka makaistorbo lang ako. Malay nyo, nasa climax na sila ng story at bigla akong sisingit. Hindi ako si Mendelle. Tumayo na ako at inayos ang suot kong cardigan na tila wala ring sense kahit gaano ito kakapal dahil sa sobrang lamig.

I was about to take a step when I heard someone's voice.

"Don't." Pigil nya.

Naitulos ako sa kinatatayuan ko. Pakiramdam ko hindi na ako makakagalaw pa. Parang nanigas ang buong katawan ko at wala ni isang salita ang pumapasok sa isip ko kundi ang pangalang Wanted. Malakas ang kabog ng puso ko na parang gusto na nitong kumawala sa katawan ko.

"Sabi na nga ba't hindi ka na naman makapaghihintay." Medyo iritableng sabi nya. Napangiti ako. Kahit kailan talaga ang isang 'to. Narinig ko ang mga kaluskos nya palapit sa akin.

"Ano? Hindi mo man lang ako haharapin? Mababaliw na 'ko kakaisip sa'yo, Needed ko."

Ko. Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko. Isang salita lang 'yon pero halos mamatay na 'ko sa kilig.

"Are you still mad at me? I'm so sorry, Needed. I'm so sorry." Sunod kong naramdaman ang pagtulo ng luha ko. God! Wala na atang katapusan 'to. Ang kaibahan lang nito, masaya ako sa pagkakataong ito.

"I know that sorry is not enough pero kaya kong ulitin yan sayo hanggang mamatay ako. Kahit ano gagawin ko mapatawad mo lang ako." He hugged me from behind. Sobrang higpit na para bang ayaw na nya akong pakawalan. Para akong dyamante na ingat na ingat nya.

"I love the smell of your hair. I miss you so much. Magsalita ka naman. Kausapin mo 'ko. Say anything kasi mababaliw na talaga ako kakaisip sa'yo. Mahal na mahal kita, Needed." Napangiti ako nang pumiyok sya. I know him and I love this part of him. He's not afraid to show his feelings. Hindi man nya sabihin pero grabe naman kung iparamdam gaya nang mahalin at ingatan nya 'ko ng sobra. At this moment, he's crying.

My Wanted is crying.

"Handa na akong sabihin sa'yo ang lahat ng gusto mong malaman. Lahat lahat mapatawad mo lang ako." Tinaggal ko ang pagkakayakap nya sa akin. At first, he did not allow me pero nang harapin ko sya at ngitian, agad nya rin akong pinakawalan.

"Alam na alam mo talagang kahinaan ko 'yang ngiti mo." Muli ko syang nginitian saka pinahid ang mga luha nya.

"Fuck. I'm so gay."

"No, you're not."

"No. I mean, I'm happy."

"Wanted....." Natigilan akong muli nang halikan nya ako. Smack lang yun pero yung kilig ko, halos wala nang paglagyan. God!

"Hmm?"

"Ilang beses mo na 'kong sinaktan."

"I know at gago ako."

"Sa totoo lang, hindi ko na alam kung para pa ba tayo sa isa't isa——"

Lumamlam ang mga mata nya sa sinabi ko. "Wag mong sabihin 'yan. Sa akin ka lang. Sa'yo lang ako."

"Pero nasasaktan ako, Wanted." Pinilit kong 'wag nang umiyak muli. Pinilit kong maging matapang para harapin sya.

"I know at pagbabayaran ko lahat 'yon, Needed. Handa ako."

One For The Books Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon