Habang abala si Wanted sa paggawa ng bonfire, nakaupo lang ako sa gilid hawak ang stick at nagdo-drawing sa sand ng kung ano-ano. Nakaramdam ako ng comfort nang lumapit sya sa akin saka ako binalutan ng jacket.
"Salamat."
"Trabaho kong alagaan ka." Saad nya na nasundan ng nakakatunaw na ngiti.
"Bakit? Dahil responsibilidad mo 'ko? Dahil dinala mo 'ko dito sa lugar na 'to na hindi ko alam kung saan at kung may mangyari sa'king masama, ikaw ang baha——"
"Dahil mahal kita. As simple as that."
Tinalikuran na nya ako matapos iyon pero hindi pa man sya nakakalayo sa akin ay binato ko na sya ng seashell.
"Corny mo!"
"Mahal ka naman." Sabi nyang hindi ako nililingon.
"Tse! Gumawa ka na nga lang ng bonfire dyan. Kainis ka!"
"Kilig ka naman. Hahahahahaha!!"
Kaysa mainis, tinuon ko na lang muli ang atensyon ko sa pagdo-drawing ng kung ano-ano sa white sand.
"Mag-iingat ka sa lahat ng ikikilos mo." Paulit-ulit na nagre-replay sa utak ko ang sinabi ni Catastrophe. Sumama ako sa kanya hindi dahil mahal ko sya. Oo nga't siguradong mahal ko sya pero hindi ko na kaya pang magtiwala. Selfish man ako dahil mas inuuna ko ang kapakanan ng dad ko, wala eh. I really don't know what to do. What if mali si Catastrophe. What if pinaglalaruan lang ako ng isang 'yon? Tang ina! I need help!
"Hey?"
"Ah.. Huh?"
"Sabi na nga ba't hindi ka nakikinig eh "
"Ay. Sorry sorry. Iniisip ko lang si Dad. Yes. Si dad. Kasi ano, kasi hindi ako nakapag paalam."
"'Wag kang mag-alala. Ibabalik naman kita ng safe sa kanya. Hihingin ko pa ang kamay mo eh."
"W-what?!" Takang napatingin ako sa kanya.
"Pagbalik natin, pakasal na tayo?" Inaasahan kong masusundan iyon ng 'joke!' or nakakairita nyang tawa pero hindi. Seryoso lang syang nakatitig sa akin.
"A-ano bang...sinasabi mo?"
"Seryoso ako. Gusto kitang pakasalan."
"Pero—"
"I know. I know na hindi pa ngayon. I can wait." Nginitian nya 'ko muli saka kinabig ang ulo ko at inihilig sa balikat nya.
"I love you, my Needed."
"How about Catastrophe. Hindi ba't kayo?"
"Nope. Hindi kita kayang palitan." Natahimik ako. Aaminin kong kinilig ako doon.
"Yung seryoso nga kasi, Wanted. Gusto kong mag-usap tayo ngayon ng matino. No more lies. No more secrets."
"Fling. As simple as that. Akala ko kasi, magseselos ka kapag nalaman mong kami." Nabakas ko ang lungkot doon kaya nahampas ko sya sa braso.
"Anong hindi? Halos mamatay na nga ako noon sa inis. Ni wala kang ginawa noong nagsagutan kami sa klase!"
"Anong wala? Pinigilan ko sya. Kahit alam kong kaya mo namang depensahan ang sarili mo, pinigilan ko sya."
"Kahit na. Nakakainis pa rin kayong dalawa!"
"Ikaw nga eh. Tinapon mo yung mga rosas na binigay ko."
Napatingin ako sa kanya.
"Sabi na nga ba't sa'yo galing 'yon eh. Bakit hindi mo binigay personally? Nahihiya ka na bang lapitan ako?"
BINABASA MO ANG
One For The Books
Fiksi UmumPast is what makes the present because there will be no present if there's no past. There will be no butterfly if there's no caterpillar, there will be no light if there's no darkness. There will be no leader if there's no member, there will be no n...