CHAPTER XXXVI

8 1 0
                                    

Hindi ako papayag na hanggang doon lang ang lahat ng nalalaman ko. Kung mamamatay man ako ngayon dahil sa panganib sa buhay namin, mas magandang gumawa na 'ko ng paraan para malaman ang lahat. I came back to my room. Namataan ko ang isang bagay sa kama ko at ito'y envelop na puti na may sticker ng bow and arrow at the upper right. Should I guess kung kanino pa galing 'to? Binuksan ko ito at bumungad sa akin ang kulay gold na papel, written there was:

He will be waiting for you at the cemetery. Go there tonight at 10 pm. Take care of yourself, Bey. I love you.

xoxo

Agad kong itinago ang envelop sa ilalim ng unan ko at naupo sa kama. Hindi dapat malaman ni dad ang tungkol dito. Wanted is waiting for me! Anong balak nyang gawin? Papatayin na kaya nya 'ko? He can actually kill me here so bakit kailangan pang sa Greece? Anong meron sa Greece? Nagmamadali akong nag-ayos nang bumukas ang pinto at pumasok si dad.

"Kumain na tayo. Your sisters are waiting for you." Nakangiting sabi nito.

Sumunod naman ako sa kanya at bumaba sa dining area. Nakahanda na ang mga pagkain at nakapwesto na sina Mendelle at Beige sa upuan nila.  This is the first time na magsama-sama ulit kami sa hapagkainan after a long time. Si mom na lang ang kulang. Ang babaeng sumira ng lahat. Katabi ko si Mendelle at magkatabi naman si dad at Beige sa kabilang side.

"Saan nyo gustong pumunta tonight?" Nakangiting sabi ni dad na para bang walang problema. Napatigil sa pagkain ng steak si Mendelle na halatang nagulat.

"Oh? You don't like the idea? What about movie marathon? Tagal na nating hindi nakakapag-bonding eh."

"Ahm....dad. Ano kasi eh...." Napakamot ako ng batok. Shit! Hindi kami pwedeng magbonding mamaya. Hindi ako makakatakas.

"What, Bey?" Para akong nasa hot seat dahil ang lahat ay nakatingin sa akin. "May pupuntahan ka ba?" Seryosong sabi nya sabay inom ng kape.

"W-wala naman dad....p-pwede ba?"

"Bakit naman hindi?" Nagulat ako sa sagot na 'yon. I thought hindi na ako papayagan ni dad na lumabas pa dahil pinoprotektahan nya kami sa dalawang 'yon.

"Wala ka namang gagawing makakasama sa'yo diba?" Dugtong nya. Iba ang dating noon sa akin. Para bang he has a hint of what am I going to do. "Anyways, saan ka ba pupunta? Kailangang kasama mo ang dalawa mong kapatid. Time nyo na rin 'yong mag bonding."

"At ikaw dad? Maiiwan ka dito. May aasikasuhin ka po ba?" Muling natigilan ang dalawa kong kapatid sa pagkain. Napaling ang tingin ko kay Beige na matamang nakatingin sa'kin na para bang nagsasabing mag-ingat ako sa mga sasabihin ko. Tinaasan ko lamang sya ng kilay matapos akong mapailing. Hindi lang talaga ako makapaniwalang she's my identical twin.

"For business purposes." He agreed.

"Oh...I see. Well, magmo-mall na lang siguro kaming magkakapatid?"

Tinitigan ko ang dalawa para ipaalam na mag-agree sila sa sinabi ko. Beige smiled at me and Mendelle's left in 2017. Sobrang nashock ata because of the things happening between me and my twin sister. May confusion din sa mga mata nya na nagsasabing wala pa rin syang kaalam-alam sa mga nangyayari.

"That's ok with me. You can use Beige's car. 'Wag na kayong mag-commute ha? Umuwi na lang rin kayo ng maaga." Nakangiti pa ring sabi nya saka nagpunas ng bibig at umalis. Naiwan kaming tatlo sa dining area.

"What now?" Mendelle asked. Beige looked at me and smiled again.

"Can you please stop smiling?"

"Sus. Pakipot ka pa eh. 'Wag ka na ngang magdrama dyan. Kailangan na nating kumilos." Nakangisi namang sabi nya at umakyat.

"I'll explain everything later. Get ready." Bulong ko kay Mendelle at iniwan syang nakasimangot na kumakain pa rin ng steak.

One For The Books Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon