CHAPTER XIV

9 1 0
                                    

Dedicated to: ❤

******

Bumaba kami sa isang beach resort.Kahit weekend ay kaunti ang tao, kaya naman nagpapasalamat ako. Ayoko kasi ng crowded.

"Sir, may rooms din po kami." Balak kasi naming mag cottage na lang kasi saglit lang naman kami pero ang bruhildang babaeng kung makatitig kay Paris, ito at animo'y tinutunaw na nya ang kasama ko. Tsk.

All I can see in her eyes now is lust. Pure lust. Ni hindi nga ako magawang tignan! Bwisit. Kalandian at its finest! Tiningan ako ni Paris na parang naghihintay ng sasabihin ko.

"What?"

Iniabot nya sa akin ang 1000.
"Yan na lang natira sa cash ko. Pang-gas na natin yung iba."

"Anong gagawin ko dito?"

"Itabi mo. Pambili ng swim wear."

Takang tumingin sa amin ang babae na tanya ko may mas matanda sa amin ng limang taon.

"Mag-asawa kayo?" Singhal nya na hindi makapaniwala.

"Hindi." Sagot ko. Nairita lang ako sa tanong nya. Mukha ba kaming mag-asawa? Ang bata bata pa namin, duh!

"Sige. Dalawang room."

"Ha?!" Hinawakan ko sya sa braso sa sobrang pagtataka.

"Babyahe na naman tayo para lumipat sa hotel? Dito na tayo. Over night."

"Kyaaaah! Dalawang room!" Hindi ko alam kung bakit masaya si ate. Dalawang bagay lang naman yan. It's either nagsasaya sya dahil hindi kami magkasama sa isang room or may nag-avail ng dalawang room. Dagdag kita din 'yun 'no.

Iniabot ni Paris ang credit card nya pero tinitigan lang sya ng babae.
Kumikinang ang mga mata nito na animo'y humaling na humaling sa kasama ko. Parang hot na hot ito sa paningin nya pero duh, ang payat kaya ni Paris! Wala man lang binatbat ang katawan sa mga sikat na Hollywood actors. Mabuti na lang at may mukha pa syang maipagmamalaki.

"Minsan, mag gym ka! Para mas maging yummy ka!" Masayang suhestiyon nya.

Nginitian naman sya--- wait, nginitian? Tangina, yun lang pala ang makakapag-pangiti sa'yo, Dela Cerna! Fudge.

Inis na umupo ako sa sofa at pabalibag na hinagis ang shoulder bag ko. Pwede namang makipag landian sya wag lang sa harap ko. Nakakabitter kaya! Hmp! Am I starting to get jealous? DAMN!

"Miss, credit card ko."

Gusto ko nang sabunutan ang babaeng hindi natinag sa pagtitig sa kaibigan ko sa pagkakataong ito.

"Ahm, Miss?"

Humalukipkip ako. Nawala na 'ko sa mood. Mas trip ko na lang yatang matulog kesa mag swimming.

"Ah!" Ay sa wakas! Natauhan din si ate girl.

"Ahm, Sorry Sir. Sira kasi yung swipe machine kaya hindi kami muna pwede ang credit card."

Tinignan ako muli ni Paris. "What?" Naiirita talaga ako sa kanya ngayon. I don't know why.

"Is it ok kung..."

Inilabas ko ang isang libo.

"Kulang yan Miss. 1,200 ang isang room."

Ang dami namang alam! Sumasakit na ang ulo ko dito at gustong gusto ko nang matulog!

"Edi mag isang room!" Iritang sabi ko saka labas ng wallet ko.

May natitira pa naman akong 5k dito. Ayoko lang gastusin dahil babayaran ko pa si Mendelle sa pinabibili ko sa kanyang libro because she mentioned the last time we talked na pupunta sya sa New York. Na kay Dad pa ang credit card ko kaya ipon ko 'to. No way naman na gagastusin ko tong lahat just for this! Magtyaga tayo sa iisang room.

One For The Books Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon