"Ayaw mo naman akong makita so aalis na 'ko." litanya nya habang inaayos ang gamit nya. Bakas sa mukha nya ang saya pero sa part ko, hindi ako natutuwa. Naiinis ako sa kanya."Wag mong kalimutang uminom ng tubig." Muli nyang sabi sabay lagay ng bottled water sa ibabaw ng drawer.
"Ayoko ng madilim." Mahinang sabi ko pero sapat na para marinig nya.
Hinawi nya ang kurtina at saka binuksan ang ilaw.
"Gusto mo bang mag CR muna?"
"Hindi na. Ano? Sasama ka sa CR?"
"Bakit hindi?"
"Sampalin kaya kita!"
Humagalpak sya ng tawa. Kainis.
"Concern lang ako. Baka mahirapan ka eh."
"Tingin mo sakin? Baldado?"
"May sinabi ba 'ko?"
"Umalis ka na nga, France!"
"Oo na! Basta ah. Magpahinga ka. Male-late ka sa lessons nyo."
Isinukbit na nya ang bag pack nya saka lumapit sakin.
"Baka magbago ang isip mo. Nandito lang ako palagi. Kung handa ka na para pag-usapan ang lahat at ayusin ang gulo sa atin, nandito lang ako." Akmang aalis na sya ng hatakin ko ang braso nya.
"Kailan ka pa nandito?" Takang mukha ang binigay nya.
"Oh? Wag ka nang magtangkang magsinungaling. I saw you in Batangas months ago. You were there but you didn't approach me. Why?" I just wanna know the answer.
"Hindi ako tanga, France. You even saved me sa room nung kinulong ako ni Catastrophe doon. Now tell me, bakit ngayon ka lang gumawa ng move? Bakit ngayon ka lang nagpakita?" Nakatitig lang sya sa akin na parang ayaw nyang sagutin ang tanong ko.
"Tell me why." I said with authority.
"It's because.... I love you."
Natigilan ako.
"What?"
"Mahal kita at bumalik ako para sa'yo. Masakit dahil nakita kitang masaya na sa iba kaya ayoko nang guluhin ka pa. Alam ko ring malaki yung galit mo sa'kin. Sa amin. Remember when I saw you and Paris sa Manila Bay? That's it. Doon ko na nagpagtantong hindi na talaga ako."
"Sinaktan mo 'ko, France."
"I know. And I want you to always be happy."
"Marami ka pang dapat pagbayaran."
"Handa naman akong isugal ang buhay ko para sa'yo."
Natahimik ako. "At alam kong hindi pa sapat ang buhay ko bilang kabayaran. Alam ko, Beatriz." He said with full of conviction.
"Kailan ka pa nga nandito?"
Alam ko naman talaga ang sagot eh. Minsan kasi talaga, kahit alam na natin yung sagot sa mga tanong natin, hindi pa rin tayo nakukuntento hangga't hindi natin naririnig mula sa kanila.
"Aalis na 'ko."
"Ok." Napabuntong hininga ako. "Ingat."
Tipid na ngiti lang ang binigay nya bago umalis. Iniwasan nya yung tanong ko and I don't know if I should be happy or what. Masaya dahil ba ayaw nya 'kong masaktan sa sasabihin nya o magagalit dahil iniiwasan na naman nyang magsabi sa'kin ng totoo. Later that day, dumating si Dad na may dalang sandamakmak na prutas. Nagalit sya sa nangyari at bilang consequence, papasok ako sa school sa ayaw at gusto ko. Malapit na ang exam kaya kailangan ko na talagang pumasok. Minsan talaga ang gulo rin ni dad eh.
BINABASA MO ANG
One For The Books
General FictionPast is what makes the present because there will be no present if there's no past. There will be no butterfly if there's no caterpillar, there will be no light if there's no darkness. There will be no leader if there's no member, there will be no n...