CHAPTER V

17 1 0
                                        


"Hey, sis! Kamusta?" Masayang bati ni Mendelle sa kabilang linya. It does really sound happy.

"Himala at napatawag ka? May problema ba? Si Dad ba?"

"No! Wala 'tong connection kay Dad. May gusto lang sana akong itanong."

"Ah sige, sabihin mo susunod na 'ko." Mukhang may kausap sya na staff. Hati na naman ang atensyon. Whatever, I don't need it.

"Bey? Are you still there? Pasensya na, may meeting kasi kami. Ano ba yung gusto mong sabihin?"

"Wala naman. Hindi naman importante. Next time na lang, kapag hindi ka na busy." Then I ended the call.

I am now lying on my soft bed with its milky sheet and thinking about something deep.

Balak ko sanang itanong sa kapatid ko kung ano bang ibig sabihin kapag gusto kang makilala ng isang tao.

Pero base on some of the books I've read, it's either may gusto sya sayo or pampalipas oras ka lang nya. Kumbaga, baka walang magandang magawa sa buhay kaya kukulitin ka na lang. Kahit walang thrill ang buhay ko, never ko namang inisip na gawin ang mang-trip ng iba.

Hindi ko alam kung seryoso ba si Paris dun kanina o sinabi nya lang yun para tantanan sya ni Ms. President? I'll go with the second idea.
Ako naman ang kawawa dito. Siguradong may kung ano na namang gagawin yang si Catastrophe sakin dahil sa rejection ni Paris.

I better be ready than not.

"Pizza, you want?" Bumukas ang pinto at pumasok ang lalaking nakangiti. His all time smile will always be my favorite.

"Yeah! Sure." Then he put the box of pizza on my bed.
Kumuha ako ng isang slice then started eating it.

"Wala ka bang balak i-donate 'tong mga libro mo? Ang dami na masyado."

"Dad, no way! As in NO WAY!" Tila ba naghi- hysterical na sabi ko.

"Easy! Haha. I know all the things you did just to buy them. Magpapagawa na lang ako ng isa pang bookshelf para sa mga iba mo pang libro. Wala na nga ring space sa library natin dito."

I actually love the idea. "Thanks dad."
Sumunod naman syang umupo sa couch.

"Balak kong bisitahin ang ate mo sa New York. You wanna come?"

"At kelan pa napunta sa New York si Mendelle?" Nagtatakang tanong ko.

"Nope. Not Mendelle. The other one. I think it's about time para makapag-usap kayo-"

"Sorry dad. May exam kami this week. Kayo na lang. Pakisabing ok lang ako." He looked at me with too much disappointment.

I'm sorry, dad. Hindi ko talaga kaya.

"I understand." Tumayo na sya at pumunta sa pintuan.

"But I have high hopes. I'm still waiting for the time na makausap mo sya. I love you." Iyon na lamang ang huli nyang sinabi saka umalis.

Naiwan akong nakatitig sa tatlo pang slice ng pizza.

I don't know what to say.

TILA naging weird ang pakiramdam ko nang pumasok ako sa classroom. Kaya naman pala. Masayang nakaupo si Hena sa kanyang upuan at tila kapansin-pansin ang new look nya. Same hair as mine. The heck.

"Idol!" She shouted as she saw me walking like a fridge. Nakayuko lang akong diretso sa paglalakad. Hindi ko sya pinansin.

"Idol, notice me po please!" This girl is crazy! What is she calling me idol like, did I do something right?
Isa pa, hindi ako dapat ina-idolize. I'm just nobody.

One For The Books Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon