CHAPTER XX

5 1 0
                                    

"Beatriz!" Agad bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha ni Aphrodite.
Iniabot nya ang isang libro.

"Pasensya na. Nagmamadali lang talaga ako kaya hindi ako nakapag-paalam. Pasensya na talaga."
Napabuntong hininga ako. "Just promise me na hindi na mauulit."

"Oo. Oo promise! Hindi na talaga."

"Sige." I replied.

"Sorry talaga." Malungkot syang bumalik sa upuan nya.
Naawa naman ako bigla sa kanya. Tyaka ayoko nang gawing big deal.
Naisip ko lang, paanong isa sya sa mga nabingwit ni Wanted. Geez, pogi nga ang lalaking iyon pero walang sex appeal kagaya ng mga tauhan sa paborito kong libro.

"Oh! Good to see you alive and kicking!"

"Kiking ina mo! Anong ginawa mo sa kanya?!!" Nag-uusok ang ilong ni Hena nang dumating.

Nagkakagulo na naman ang mga kaklase ko. Oh crap. An attention again!

"Tell me, Beatriz. Anong ginawa sayo ng impaktang 'to nang maisumbong kay Paris!"

"Hoy, singit ka ng singit sa usapan, wala ka namang alam. And go on, isumbong nyo 'ko kay Paris. The hell I care!"

Nagtawanan sya kasama ang group of friends nyang malayo man sa amin pero halos humaba na ang leeg sa pagiging sobrang chismosa.

"Magsalita ka, Beatriz nang magising sa katotohanan ang babaeng 'to!"

Sumasakit lang ang sintido ko sa ginagawa ni Hena. Ang sakit sa tenga ng boses nya. Lumaki lang ang gulo dahil sa ginagawa nya. Gusto ko na ngang bumalik sa upuan ko eh.

"Well, ni-lock ko lang naman sya dito kagabi and I don't know kung paano sya nakalabas." Cool na sabi ni Catastrophe kaya lalong nag-igting ang panga ng katabi ko.

"I'm sure na hindi iyon si Paris. You know why? Magkasama kasi kami kagabi. You know, he already said he loves me. Hay... Kaya siguro ayaw nya ng friendship kasi he badly wanted to claim me. Gosh!"

"Aba't ang kapal talaga ng mukha mo eh noh!" Nag-uusok na rin ang ilong ng kararating lang na si Athena. Omg.
Bakit? All of a sudden, ginagawa nila ito?

"You know what, nagpunta lang naman kami sa mall kaya wag ka nang magtampo. Oh! Wala ka palang karapatan kasi kaibigan ka lang nya."

"At ikaw?!!" Nagtataray na singhal ni Hena.

"Ahm, soon to be his wife!" At tila sinilihan ang babae sa sobrang kilig.

"Eww. Hindi papatol sayo si Paris!" Si Athena.

"Oh?! Mas lalo naman siguro sayo!"

"Hindi ako makakapayag!!!"

Tila niyanig ng napakalakas na lindol ang buong classroom.

Mabibigat na paa ang dala ni Aphrodite nang dumating sa lugar namin.

"Sige nga! Anong oras kayo umalis?!!"
Teka, what is she talking about?!

"He waited for me at the Parking lot. Right after the dismissal, nagpunta rin ako doon before I locked this girl in this room!"

"Anong sasakyan ang gamit nyo?!"

Wala na 'kong naiintindihan. Para na 'kong tangang nakamasid lang dito sa kanila at wala nang magawa kundi ang makinig. Ang tatlong ito, hayan at kung ano-anong sinasabi kay Catastrophe. My mind's starting to be empty. I don't know. I just don't.

"Ano pa ba?! Edi his black Chevrolet!!"

Natigilan ang tatlo at sabay-sabay tumatawa. Weird!

"Confirmed! Hahahahahaha!!" Napabunghalit pa lalo ng tawa si Athena.

One For The Books Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon