Suot-suot ang uniporme ko ay masaya akong lumabas ng kwarto namin. Maaga ako palagi dahil nag co-commute ako. Nahihiya akong sumabay sa mga Ferguson dahil hindi naman ako bagay sa mga sasakyan nila.
I am already fourth year high school! Ang bilis lang. Sila Dylan naman ay sophomore na sa college.
Pagkalabas ko ng kwarto dala dala ang bag ko ay nakita ko si Dylan sa may pool area nakaupo doon. Suot suot rin niya ang uniporme niya na pang college. Ayos na ayos ito at hagod na hagod ang kanyang buhok, bumabagay sa kanya ang silver nitong relo, ang uniprome niya at ang itim na sapatos. Kapag nakikita ko siyang ganyan ay masasabi ko talagang wala akong pag-asa sa katulad niya.
Parang noon lang naman ay kinaiinisan ko siya ng lubusan tapos ngayon ay pinupuri ko siya.
I acted like I didn't see him but that is too impossible to believe.
Ngumiti ako sa kanya ng nakita niya ako.
"School boy na school boy ka ah." asar ko.
Ngumisi naman siya. "Want a ride? I can drive you, Ysa."
Umiling naman ako. "Salamat. Sige lang, baka ma late ka pa." he frowned.
"Mauna na ako." mabilis kong paalam at nilakihan ko ang hakbang ko.
"I am going now!" Dylan shouted near the door on the kitchen. Meron kasing sliding door doon sa kusina para makalabas sa pool area nila.
Mas binilisan ko ang lakad ko.
"Bro! Hintayin mo ako!" sigaw ni Rylan na dumungaw doon sa pinto.
"May sasakyan ka naman. Aalis na ako." I heard sound of a keys. Kaya tiningnan ko iyon at tumakbo naman si Dylan para makalapit sa akin.
"Alam mo na ba section mo?"
"Hindi pa. Kaya nga aalis na ako ngayon para hindi ko na kailangan magpasiksikan doon."
"I told you, I can drive you." malapit na talaga, malapit ko ng isigaw sa kanya na wag siyang magsalita o umaksyon ng ganyan kasi hindi ako matutuwa kung pinagti-tripan niya ako.
"Can you hold this for a while?" sabi nito at may nilahad na mga papel sa akin.
"Oo naman." sabi ko at tinggap iyon. Puros iyon validation form nilang mga lalaki.
Kinuha naman ni Dylan ang binder niya na doodle ang cover page. Kinuha niya naman ang mga papel sa akin at pinasok doon sa plastic cover sa loob.
"Makakapasok ba mga pinsan mo?" tanong ko ng nakita ko ang ID ng mga pinsan niya doon.
King Rylan D. Ferguson
Gabrielle Sandro F. Cojuangco
"Hindi naman sila papasok ngayon."
"Huh?"
He smirked. "You'll know it when you enter college, Ysa. First day of school, orientation, nothing to do. That sucks. Facing college professors sucks." sabi nito. Ngumiwi naman ako.
"I will never do that in my college days."
"Oh really?" hindi makapaniwalang tanong niya.
"Really! I will never skip school."
"Yeah right. You're Ysabel Santos after all."
Nagpasalamat naman ako kay Dylan sa paghatid niya. Tumango naman siya at ngumiti. Ang dapat iisipin ko lang ay nagmamagandang loob siya, ako na bahala sa nararamdaman ko sa kanya kung ano man ito.
Hapon ng nakauwi ako sa mansion ng mga Ferguson.
"Pumasok ka dude? Bakit?! Hinintay ka namin ni Gab kanina ah!" na sa gate pa lang ako rinig ko na ang boses ni Rylan. Eto yung sinasabi ko, maingay talaga kapag kumpleto sila sa mansion nila. Iyong kahit sobrang laki ng mansion nila, ay maririnig mo ito dahil sa sigawan nilang magpipinsan.