Kabanata 27

334 12 0
                                    

Ysabel

Dalawang linggo ang lumipas at hindi ko pa rin matanggap ang nangyari. Sa dalawang linggo nakatingin lang ako kay Dylan sa malayo. Sabi sa akin ng mga magulang niya, para mabilis at hindi masaktan si Dylan ay wag muna ipaalala sa kanya lahat lahat. Hayaan daw na bumalik lang ito dahil possible talaga iyon.

Kapag nasasalubong niya ako kay hindi niya ako pinapansin at dinadaanan lang. Kapag nangyayari iyon ay napapaiyak na lang ako.

Maraming nagtanong sakin sa loob ng campus sa nangyari sa kanya hindi ko naman nasasagot kasi naiiyak lang ako.

"Taha na, Ysa." pinuntahan ako ni Nikki sa bahay dahil tatlong araw na ako hindi pumasok. Hindi ko rin naman magawa ng tama ang mga gawain ko.

Napatingin naman ako sa frame at jar sa mesa sa kwarto namin doon. Ibinalik iyon ni Gabrielle sa akin isang araw bago lumabas si Dylan ng ospital.

"Ysa..." 

"Ano yun Gab? Pinatawag ba ako ni Dylan?" I am setting my hope high. I don't want to lose it. I love Dylan so much.

"Uhh..." hindi naman siya nakasagot. Napamura naman siya at nag buntong hininga. May nilahad naman siya sa akin isang box.

Again, I was expecting that it was from Dylan, gift or whatsoever. Hindi ko alam. Natatawa na ako minsan sa naiisip ko, baka nagpapanggap lang siya na nagka amnesia para i-surprise ako? That sucks!

"Para hindi na daw maulit ang nangyari noong isang araw Ysa." sabi ni Gab.

Last time... That was the most painful day of my life. I visited Dylan, I tried talking to him pero sumakit ang ulo niya. Naiiyak siya sa sakit nun. Pinaalis ako ng ospital ng mga Ferguson. Ewan ko, parang simulang nakalimutan ako ni Dylan, nakalimutan ko na rin mabuhay.

Gab gave me the jar and the picture frame of Dylan and I. Sabi niya hahanapin pa raw niya kung meron pa daw naiwan sa kwarto ni Dylan.

Niyakap naman ako ni Gab bago siya umalis. All I did was cry and cry and cry.

I opened the jar. Isang papel na lang ang laman nun. It's an I want.

I want to grow old with you <3

"Ysa." tawag ni Nikki sa akin ng bumaba ako ng kama.

Binuksan ko ulit yung jar at pinakita kay Nikki ang nakasulat.

"Ang unfair naman! Hindi niya man lang nabasa 'to! Paano na to? Paano kami? Wala na talaga? Impossible na 'to?" Nikki hurriedly went to me and hugged me so tight. Nakaupo na ako sa sahig sa kakaiyak at andiyan lang siya para yakapin ako. 

"Ysa, tama na... Tama na..." naiiyak na tawag ni Nikki sa akin.

Umiling naman ako. "Bakit kasi ganito nangyari eh?! Mahal na mahal na mahal ko si Dylan, Nikki! Sana... Sana... Sana kahit isang memorya lang naman na maalala niya tungkol sakin!" I burst out.

Gabi na ng andoon pa rin si Nikki sa kwarto namin. Natigil ako kanina sa kakaiyak ng pumunta sina Gab at Rylan sa kwarto. They kept on telling me that everything will be okay pero tangina yan. Sobrang sakit sakit na!

"Let's just wait for Dylan, Ysa... Okay?" I will keep my hopes high. Ayaw kong mawalan ng pag-asa, alam kong dadating ang araw na maaalala ako ni Dylan.

Palaging na sa kwarto niya lang siya. Nakikita ko lang siya kapag kakain na sila sa hapag, pasulyap sulyap ako sa kanya. Parang noon lang kapag andoon ako sa kusina nila ay kinukulit niya ako ngayon ni isang titig ay hindi niya magawa sakin.

Dangerously In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon