"Magdalene."
She smirked. "Surprised?"
Hindi ko alam ang dapat kong i-react ng dinala siya ni Dylan sa mansion nila at pinakilalang girlfriend.
Siya iyong katawagan ni Dylan gabi-gabi? Siya iyong ka text ni Dylan palagi? Siya ang nagpapadala kay Dylan ng regalo? Siya na ang bagong mahal ni Dylan? But how?
"What?!" sigaw ni Beauty ng na sa hapag sila.
Magdalene turned pale. I was just standing outside and peeking on their window again. Ayaw ko na ganoon ako kalapit ulit. Hindi makaya ng puso ko ang nangyayari ngayon.
"You! How... Damn." sinuway naman si Beauty ng kanyang daddy.
"Dad! Hindi siya ang girlfriend ni kuya."
"Please, Beauty." Engineer pleaded her.
May mapaglarong ngiti kaagad sa labi ni Magdalene.
Pinapasok ako ni ate Nora doon para tulungan siya sa paghanda ng dessert nila. Pagkapasok ko ay lahat sila nakatingin sa akin, si Dylan lang ang hindi.
Magdalene was talkative. Kwento siya ng kwento at ang nakakatawa ay hindi siya pinapansin ng lahat at sinasakyan lang ito. It's pretty obvious!
"Dylan's so sweet nga po, tita Tine... He even gave my mom some gifts para daw mapa-oo lang ito sa day trip namin sa Vigan last week." sabi pa nito. Ngumiwi naman si Ma'am Tine.
Magdalene giggled. "And oh! Pwede ko po ba kayo ma invite for dinner? My mom would love to meet you!" dagdag pa nito.
"Sorry, Magdalene. But we're really busy and occupied. Hindi naman ma insert ang schedule---" Ma'am Tine's words was cut when Dylan interrupted.
"Sunday. Pwede kami Sunday." sabi ni Dylan.
Napamura naman si Beauty sa harap ng pagkain. Mag's lips twitched.
"Ayaw ko na dito. Hindi ako sanay makipag plastikan. Sorry." sabi nito at mabilis na umalis ng hapag. Tinawag naman siya pero diretso lang ang lakad niya.
Nanginginig ang mga kamay ko habang nilalapag ang dessert nila doon. Gab's held my wrist na kinabigla ko.
"Ba-Bakit?" sobrang hina ng boses ko.
All eyes were on me and Gabrielle.
"Ysabielle. Ysabielle." Rylan chanted. Napatingin naman ako sa kanya ng matalim. Tawang tawa naman ito.
"What?" napapaos na tanong ni Sander.
Humalakhak naman si Rylan. "I just ship them both. Bakit ba? Masama ba yun?" tanong nito.
Napailing naman ang mga magulang niya. I tried to take my wrist of Gab pero mas diniinan niya ang paghawak dito.
"Are you okay?" he asked.
Tumango naman ako. Gab's eyes widened and reached for my eyes. Pinunasan niya naman ang luha na tumulo doon. Everyone gasped.
"Gab..." my voice broke.
Hindi ko alam ang ginagawa ni Gabrielle. Kung ginagawa niya to para kay Dylan, then ayaw ko. If he is just concerned then thank you. Pero kung higit dun ay hindi ako papayag. It will always be Dylan and I will wait for him to come back.
"Gabrielle Sandro." his mommy called him.
Gab tilted his head. Mabilis akong napatingin kay Dylan doon. Sumakit ang puso ko sa nakita ko. He looks like having his own world with Magdalene.
He is serving some food to Mag's plate. Iyong parang wala talaga siyang pakialam sa mga nangyayari.
"Gabrielle." it was their dada who called him.