Kabanata 8

399 12 0
                                        

Dylan made sure to deliver me food every time. Almusal, lunch and dinner. Minsan snacks pa ay pinapdalhan niya ako sa kwarto. Nakakahiya ang hapunan noong gabing iyon kaya hindi na ako nakalabas tuwing gabi. Ayaw ko ng mangyari ulit iyon.

"Good morning po." bati ko ng masalubong ko si Sir Cyril at ang asawa nito.

"Good morning too, Ysa." they greeted back.

"Aga mo naman ata? Hatid ka namin!" aya ni Ma'am Desiree.

"Po? Wag na po!Mag co-commute lang po ako."

"Come on, Ysa---"

"Ako bahala sa kanya tito." rinig kong sabi ni Dylan.

Kung hindi ko nasalubong sina Sir Cyril, nakalabas na sana ako at hindi ako maabutan ni Dylan!

"Aalis na po ako." mabilis kong sabi. Malaki rin ang hakbang ko pero naabutan ako ni Dylan. Kung ano naman ang naramdaman ko ng pinulupot niya ang braso sa bewang ko.

Feels like the world stopped turning, river stopped flowing, falls stopped falling, air stopped passing by, and heart stopped pumping.

"I'm gonna reward you for this Dylan." natatwang sabi ni Attorney at hinawakan na ang kamay ng asawa niya at umalis na sila doon. Dylan's arm still on my waist.

Ramdam ko ang paglapit ni Dylan ng kanyang mukha sa ulo ko. I pressed my both lips.

"I really love your smell, Ysabel. I missed it." damn it!

Tanong naman ng tanong si Dylan doon at sinasagot ko lang iyon ng tipid.

"Did you bring your phone?"

"Oo."

"Good... How about lunch?"

"Doon ako bumibili ng lunch sa canteen."

"Malinis ba yun doon?"

"Naman." may kung anong walang kwenta pa siyang tinatanong sa akin doon. Nagpasalamat naman ako sa kanya ng na sa labas na kami ng paaralan ko.

"Excuse me! Excuse me!" natigil ako sa paglakad sa hallway ng tawagin ako ng isang babae. Magkabatch naman kaming dalawa dahil sa badge niya sa uniform. Kulay asul.

"Uhh, diba si Dylan Ferguson iyon? Boyfriend mo ba siya?" she smiled. Umiling naman ako. Asa naman ako.

"Oh! Akala ko kasi boyfriend mo." sabay hagikhik niya. "Friends kasi kami sa facebook kaya kilala ko siya at ang sasakyan niya." tumango lang ako. Ano naman pakialam ko?

Sa araw na iyon ay facebook ang tumatakbo sa isip ko. Sinabihan ko naman ang kaibigan ko na gawan niya ako kaya pumunta kaming library para makapag wifi.

Nakatingin lang ako sa kanya habang ginagawa niya iyon.

"Mag install ka na rin sa phone mo ng Facebook app." ginawa ko naman ang sinabi niya.

"Kunan kita ng litrato pang profile picture! Bilis, mag smile ka!" she was the one who set my profile picture.

"Ano ba yan, may photobomber." sabi nito dahil may isang lalaki na nakasilip sa bookshelf na para bang tinitingnan kami ng kaibigan ko.

"Hayaan mo na."

As expected Dylan fetch me, gusto ko sanag magbulagbulagan na hindi ko siya nakita pero bumaba siya ng sasakyan niya at hinigit ako pasakay.

"May facebook ka na pala." he announced.

Ayaw ko siyang i-add sana but my friend added him! Nakakainis!

"Ginawan ako ng kaibigan ko."

"Sinong kaibigan? Yung lalaki sa profile picture mo?" what?! Nakita niya iyong lalaki doon?! Why there are kind of people who always see the smallest detail? Iyong hindi naman importante pero ipupuna nila talaga iyon sa kapanatag ng loob nila!

Dangerously In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon