Noong sembreak ay nag outing ang mga magpipinsang Ferguson, niyaya naman nila ako. Ayaw ko sana pero halos lahat sila ay hindi ako pinakawalan. Alam naman nilang lahat ang relasyon namin ni Dylan pero nahihiya pa rin ako. They are Fergusons, high class, high maintenance, unreachable and everything.
Isa sa mga driver nila nag drive, sinabihan naman ako ni kuya Ato na sa front seat sumakay. Okay naman iyon dahil para sila sama-sama sa likod. Hindi na pinapayagan si Gab mag drive at binawi ng daddy niya ang sasakyan niya.
Naka pwesto na ako sa front seat ng van nila at maingay na sila doon sa likod. Sinasama naman nila ako sa usapan but they can't talk about me and Dylan kasi may driver. Close pa naman si papa at si kuya Ato.
"Asan na ba si Kuya D?" tanong ni Kendra, anak ni Ma'am Kennedy.
Napatingin naman ako sa bintana at lumalakad na doon si Dylan. Naka puting v-neck na t-shirt lang siya at board shorts! Ganoon lang ang suot niya pero napapaluha ang mga mata ko. He is so damn appealing.
Inayos ko naman ang pagkakaupo ko. Bumukas naman ang pinto sa likod at doon pumasok si Dylan. Napatingin naman ako sa rear view mirror at may hinahanap ito.
Meron pang space sa front seat dahil pwede dalawa. Hindi naman ako ganoon kalaki.
"Saan ka na naman?!" inis na tanong ni Gab sa kanya ng sinarado niya ang pinto doon.
I slightly flinched when the door on front seat opened.
Rinig ko naman ang halakhak ni Rylan. "All settled then." sabi pa nito.
Umakyat si Dylan sa front seat at kumalabog na naman ng mabilis ang puso ko. Hindi naman siguro malisyoso si kuya Ato para mag-isip ng kung ano ano sa amin ni Dylan ngayon.
"Where's your bag?" he asked.
"H-Huh?" tiningnan ko naman siya.
I hope he got the message!
"Alis na ba tayo Sir?" tanong ni kuya Ato sa kanila.
"Yes!" sabay na sigaw nilang lahat sa likod at sobrang excited na sila.
"Where's your bag?"
"S-Sa likod." nahihiyang sagot ko.
Na sa kamay ko naman ang cellphone ko at nag type ng kung ano doon. Alam kong tinitingnan ni Dylan iyon! Ayan naman kasi siya palagi.
Andito si kuya Ato, baka magsumbong kay papa. Maghinay hinay ka muna.
He sighed. "Okay." sagot nito.
Napailing na lang ako.
Dylan shared his earphones on me. Pinandilatan ko naman siya sa ginawa niya.
He typed something on his phone too.
You are too paranoid. He won't spill.
Mahina kaming nag-uusap na dalawa pero ginagawa kong normal iyon. Nakita ko ang pagtitig ni kuya Ato sa amin pero parang wala rin iyon sa kanya.
"Hindi ka ba inaantok?" tanong ni Dylan.
"Oo nga, Ysabel. Tingnan mo ang iba, tulog na." dagdag ni kuya Ato.
"Inaantok po, pero okay lang---" hindi natapos ang sasabihin ko ng pinahiga ni Dylan ang ulo ko sa kanyang balikat. Aalisin ko sana iyon pero hinawakan niya ang mukha ko.
"D-Dylan ano ba." nahihiyang asik ko. Ramdam ko na ang pag-iinit ng pisngi ko.
"Nako Ysabel. Nahiya ka pa. Magkaibigan naman kayo ni Dylan." hindi lang po kami magkaibigan kuya Ato! We are more than that!
