Kabanata 30

374 10 0
                                    

"This is so fucking annoying." Beauty.

"Ah! Parang hindi ko kayang tingnan ang bagay na 'to. Unlike before, na normal lang. Eto kasi parang OA na." sabi naman ni Jewel.

"I know right! Sarap lunurin! Haliparot." 

"Hayaan niyo na..." bulong ko sa dalawa.

They are badmouthing Dylan and Magdalene.

Nagswi-swimming sila sa pool ng mga Ferguson. Naka board shorts si Dylan at nakaupo sa may hagdan doon, habang si Magdalene ay suot suot ang itim niyang two piece. Nakaupo rin siya sa gitna ng hita ni Dylan. Masaya silang nag-uusap doon.

I thought its still okay for me. Sa nabalitaan ko kasi ay parang gumaan ang pakiramdam ko pero kapag nakikita ko sila ni Magdalene na dalawa ay parang pasan ko na naman ang mundo.

Noong graduation ni Dylan ay pumunta ako. Kasama ko si Nikki nun. I even saw Dylan and Magdalene wearing their togas and having their picture together. Si Beauty pa ang pinakuha ni Dylan ng litrato nila.

I always embrace the flame. Kung hindi ko gagawin, edi sayang lang ang ginagawa kong paghintay kay Dylan. I know someday this  will be all worth it.

"Nako. Kung mangyayari yan sa akin in the future, I will never ever wait. Aba, masasaktan lang ako." sabi ni Beauty.

"Then you are not really in love if you will do that, Beauty." tawa ni Jewel.

"Excuse me?"

Jewel nodded. "If you truly love someone, whatever happens you will wait for him."

"Even it can cause you so much pain?"

"Even it will cause you so much pain." ulit ni Jewel pero sa hindi na patanong na paraan.

"Babe! No!" natatawang sabi ni Magdalene ng binuhat siya doon ni Dylan paalis ng pool. 

Sumisikip naman ang dibdib ko. Beauty groaned.

"I will tell dada and wawa to ban this fucking girl inside this beautiful house!" hinigit ako paalis ni Beauty doon.

Dylan seems happy. Parang nako-kontento na siya kung anong meron siya, parang ayaw na niyang malaman ang lahat. Parang okay na sa kanya wag bumalik ang ala-ala niya.

"You are being masochist!" sabi ni Beauty sa akin.

"Doon lang ako." sabi ko sabay turo sa sun lounger nila sa pool area. Kanini kasi sa may garden nila kami nakatayo habang nagmamasid sa dalawa.

"Ysabel, minsan ko lang 'to sabihin." sabi ni Beauty. Hawak hawak pa rin niya ang kamay ko. Jewel eyeing her pero parang wala lang siyang pakialam.

"You are stupidly in love with my brother.... And that is fucking dangerous." napaawang naman ang labi ko sa sinabi niya.

"Beauty." tawag ko.

"Ysa! It's been what? Three months! You are just standing far away from him doing nothing. I understand that you care for him at ayaw mo lang sumakit ulit ang ulo ni kuya, but hell, do something to shoo that Magdalene away!"

"Beauty...." tawag ni Jewel sa kanya.

"Silent cry is very painful, Ysabel. You know..." umiling naman si Beauty at pumasok sa loob ng mansion nila. Tinawag naman siya ni Jewel pero parang wala lang itong narinig.

Jewel pulled me for a hug. "Beauty cares for you Ysa. Gusto niya lang maging masaya ka ulit."

Paano ako magiging masaya kung ang kasiyahan ko tinatangay na ng iba?

Dangerously In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon