Kabanata 17

351 14 0
                                        

Second year college ako at fourth year college na si Dylan. Ang bilis lang ng oras.

"Malapit na ang birthday ni kuya." sabi ni Beauty.

"Oo nga. Pwede mo ba akong samahan sa SM sa susunod na linggo? Bibilhan ko siya ng regalo." sabi ko.

Dylan loves shoes. At pinag-ipunan ko iyon para mabilhan siya ng Nike o Addidas. His favorite brands.

"Sure! I can help you though."

Hanggang ngayon marami pa ring naiinis sa akin at nagpaparinig tungkol sa relasyon namin ni Dylan. At kahit si Anton ay ka block ko pa rin ngayon. Hes's always insisting that I liked him! Pinag-awayan namin iyon ni Dylan isang araw at sinabihan ko naman siya na wag pansinin. Nagagalit lang raw kasi talaga siya.

Dylan:

Hon, I can't fetch you today. I'm sorry, we're running some errands.

I understand him though. Graduating na rin naman siya at hindi naman makitid ang utak ko para pagbawalan siya sa mga pupuntahan niya. Meron silang kagrupo na puros babae, tatlo lang sila ni Gab at Rylan ang lalaki.

"Ah, sila ka grupo mo?" tanong ko habang nakatingin sa phone niya.

May group chat kasi silang pito at hindi naman group works ang pinag-uusapan doon.

"Twas Gab and Rylan who entered the group." he said.

I smiled at him. "You don't need to explain. Wala naman iyan. Ano ba ang gagawin niyo? Gusto mo tulungan kita?" alok ko.

Dylan sat beside me- in their gazebo.

He kissed me on my cheek how many times. "You know how I feel right now, Ysabel?" he asked. I shook my head.

"I am very lucky to have you."

"Bakit naman? There are a lot of pretty girls----"

"You are beautiful, intelligent, sweet and brave. That's why. I don't care about pretty girls in this City, my heart already set to you and you alone."

Dylan's the sweetest! Hindi naman ako naka boyfriend at hindi ko naman iyon maiko-kompara, pero kahit na, kung hindi man kami magkatuluyan ni Dylan sa huli at ma realize niyang marami pa pala diyan, I won't blame him though. Para sa akin, siya pa rin ang pinaka sweet at ideal boyfriend.

I see myself as a plain girl, iyon lang. Walang ka espesyal espesyal, but because of Dylan, I feel very special every time.

Malapit na ang birthday ni Dylan at todo ipon ako.

"Ano ba yan? Ba't hindi ka naman kumakain?" tanong ni Nikki isang araw sa akin ng sabay kaming mag lunch. Minsan lang makakasama si Beauty sa amin kasi maraming yumayaya sa kanya kumain- friends and suitors. Hindi naman iyon alam ni Dylan na may mga manliligaw si Beauty- for sure! World war three na naman kapag ganoon! Susulong at susulong na naman ang mga Ferguson boys.

"Okay na ako dito." inihipan ko naman ang cup noodles sa harap ko.

"Kapag ikaw mahimatay na naman! Nako, Ysabel. Hindi ka talaga nadadala."

"Gusto ko kasing mag-ipon. Bibigyan ko ng regalo si Dylan sa birthday niya. May nakita na akong Nike na sapatos." sabi ko.

Napatingin naman ako sa bintana. Malakas ang ulan at may mga estudyanteng nagtatakbuhan. May klase ni Dylan ngayon at hindi kami magkasama.

"Magagalit si Dylan niyan." asik ni Nikki.

I shook my head. "Hindi niya naman malalaman kung hindi mo sasabihin, diba?" Nikki made a face.

Dangerously In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon