"Happy birthday!" masayang bati ko kay Dylan ng nakita ko siya sa labas ng kwarto namin. Wala namang tao kaya binigyan ko siya ng mabilis na halik sa labi.
He smiled. "That's the sweetest greeting ever." tumawa naman ako sa sinabi niya.
Hindi ko pa naibigay ang regalo sa kanya dahil na sa kay Beauty iyon. Hindi ko pa kasi na balot iyon dahil na sa kwarto si mama noong isang araw pa hanggang kagabi, nagkasakit kasi ito kaya pinapahinga siya muna. Kinuha iyon ni Beauty sa akin kagabi para daw siya ang mag balot nito.
Hinatid naman ako ni Dylan sa classroom ko. Others greeted him too, iyong mga nakakakilala sa kanya.
"We'll eat lunch together, hon." I nodded.
Pagkadating ko doon ay nag-usap muna kami ni Nikki.
After ten minutes dumating si Beauty dala dala ang box ng regalo.
"Ayan na. Lagyan mo na lang ng name." sabi nito. May mga tumingin pa sa amin doon pero gaya ng ginagawa ko parati, hindi ko na pinapansin.
Happy birthday, hon! I love you.
I hope you'd love this :)
-Ysabel
Iyon lang naman ang nilagay ko sa card. I am not that cheesy person though, sa aming dalawa si Dylan palagi ang ganyan. Siya palagi ang may mahabang goodnight text at palasalita ng matamis.
Diretso ang klase namin at noong vacant umalis kami papuntang cafeteria. Dala dala ko ang paper bag na nilagyan ni Beauty kaya hindi mahirap dalhin. Kanina sa last class namin ay may mga Tourism students kaming irregular students doon, minor subject naman iyon kaya napasama sila sa block namin.
Sa pagkakaalam ko fourth year ang isa doon at naging ex siya ni Dylan. Iyon lang sabi ni Beauty sa akin. Hindi rin naman daw sila nagpapansinan na dalawa dahil ayaw niyang maging plastic sa ex ni Dylan.
"CR muna ako." sabi ni Nikki.
"Sama ako!" sumunod naman si Beauty sa kanya.
"Dito na lang ako sa bench."
Matagal kasi silang mag CR na dalawa. Maraming pang rituals.
Dylan still has a class. Mamaya ko na lang ibibigay sa kanya kapag magkita kami. He reminded me about our lunch date.
Habang naghihintay doon ay may nagsalita naman sa tabi ko.
"Being sweet huh?" hindi na ako sumagot sa ex ni Dylan na tourism. She's Magdalene. Beauty told me they lasted five months. Kung ganoon, nagustuhan talaga siya ni Dyla noon? Dylan will never tie himself five months if its just a game.
I call her ate sometimes. Nagkagrupo kami sa isang group work noong isang araw at parang mabait nama siya- o dahil andiyan lang si Beauty sa grupo namin kaya mabait siya sa akin?
"Hey little girl. I am talking to you." she said and sat beside me. May kasama siyang dalawang babae na ka-klase ko rin.
"Ano po yun?" tanong ko. Kung ano man ang plano niya sa pakikipag-usap sakin ngayon, well then, sayang lang. Kung iinsultuhin niya ako ay wala akong pakialam. Marami na akong narinig na usap-usapan sa loob ng campus na 'to dahil sa relasyon ko kay Dylan.
Humalakhak naman si Magdalene. "So Dylan throwing a party later at their mansion... We're all invited..." hindi naman ako sumagot.
Sinabihan na ako ni Dylan nun at wala namang problema sa akin.
"So makikita ka ba namin mamaya nagsisilbi sa amin?"
"Ano po yung----" natigil ako ng higitin niya ang regalo ko para kay Dylan.
