"Magdalene!" singhap ko ng mabilis na dumapo ang palad niya sa pisngi ko.
Malakas niya akong tinulak dahilan ng pagkatumba ko. Malakas na tumama ang pwet ko sa lupa.
"Malandi ka! Nilalandi mo ba si Dylan dito ah?!" sigaw nito at sinabunotan ako.
"Aray! Ano ba!" sigaw ko.
Anong nilalandi? Hindi ko iyon ginagawa kay Dylan! Kung meron man siya iyon! Nagpapanggap siyang girlfriend ni Dylan kahit hindi naman talaga! Hindi ba dapat ako yung magalit sa kanya!
Malakas ko siyang tinulak at natumba rin siya.
"Wala akong ginagawa kay Dylan!" sigaw ko sa kanya.
"Wala? Talaga ah? Inutusan mo pa ang kapatid niya para awayin ako?! Well, listen! Hindi ako papatalo sa inyo!" sigaw nito at tinulak ulit ako.
Mabilis kong hinawakan ang kamay niya at natumba rin siya kasabay ko. Sumisigaw ako sa sakit sa bawat pagdapo ng kuko niya sa balat ko. Bakante ang paa ko kaya sinipa ko siya, mabilis akong pumaitaas sa kanya.
"Alam mo ang totoo Magdalene! Akin si Dylan! Hindi siya sa'yo! You took advantage in this situation!" naiiyak na sigaw ko. Sinampal niya naman ng sobrang lakas.
"Magdalene!" natigil sa ere ang kamay ko para ibalik kay Magdalene ang sampal ng sinigaw ni Dylan ang pangalan niya.
May kumuha naman sa akin sa pagkaupo sa itaas ni Magdalene at bahagya akong tinulak dahilan ng pagkatumba ko sa lupa.
Twas Dylan.
"Ysa!" Beauty called me.
"Oh my god!" singhap ni Beauty at mabilis akong niyakap.
"Are you okay?" she asked.
Ilang beses akong tumango kahit na may luha na lumalabas sa mga mata ko. Walang katumbas ang sakit na ginawa ni Magdalene sa akin, mas masakit iyong nakikita ko si Dylang ngayon niyayakap si Magdalene at tinatanong kung okay lang ba siya.
Dylan turned to me and faced me.
"What did you do to her?" he calmly asked.
"Dy-Dylan..." my voice is shaking while calling his name.
Mabilis ang pag-alis ni Magdalene sa kay Dylan at sinunggaban ulit ako ng isang sampal.
"Magdalene!" Dylan called her again.
Dahil sa paghawak ni Beauty sa akin ay mabilis akong nakakuha ng balanse ko. Tinulak ko si Magdalene at napaupo siya sa lupa. Mabilis naman siyang dinaluhan ni Dylan at tinawag ulit.
"Ysabel!" Dylan's cousins running towards us.
Mabuti at wala ang mga magulang nila! Mabuti at wala rin sina mama at papa ngayon dito!
After this, I am done. I am fucking done.
Tumawa ako ng mapakla. "Tinulak ko siya, Magdalene ang tinawag mo. Ako na yung sinampal, Magdalene pa rin, Dylan?" his piercing eyes laid on me.
Parang sasabog ito sa ginawa kong tanong sa kanya. Oo nga naman, wala siyang alam! Ang alam niya lang ay anak ako ng katulong nila at hindi niya ako magugustuhan!
"Why? Do you expect me to call your name?" tanong nito.
Umiling ako sa kanya. "No Dylan. Hindi."
Binalik niya ang titig kay Magdalene na nagpapanggap na nasasaktan kahit hindi naman talaga. Gusto ko siya ulit tadyakan sa ginagawa niya.
I decided to respect myself enough to walk away from anyone and anything that no longer serves me, grows me, and makes me happy.
Ayaw ko man gawin, pero kailangan. Inalis ko ang singsing sa daliri ko at binato iyon sa harap nila ni Magdalene na dalawa. Napatingin naman siya doon.