"What?! Ano?!" napabalikwas ako sa kama ng natapos ko ang binabasa ko. Hapon na at hindi ako lumabas ng kwarto para matapos ko ito.
"Ano ba to?" naiinis kong sabi.
I really hate reading without happy ending!
Nawalan ako ng mood ng araw na iyon. Ng nakita ko si Dylan ay nainis ako sa kanya.
"Oh?" tanong niya.
"Babalik ko na yung libro na binigay mo." tanong ko sabay lahad nito sa kanya. Kumunot naman ang noo niya.
"Hindi kasi ako interesado sa mga love story na walang happy ending." mangingiyak kong sabi.
I really just reading that kind of love story. Its giving me stress, really!
"RYLAN!" nabigla naman ako sa pagsigaw nito.
Kinuha naman ni Dylan ang libro na hawak hawak ko at nag martsa papasok sa loob. Nagalit ba siya dahil binalik ko ito?
Kinubukasan ay nabigla ako sa nakita ko sa kwarto. Isang libro na naman at brownies.
"Nililigawan ka ba ni Dylan, Ysa?" diretsong tanong ni mama. Mabilis naman akong umiling.
What? A prince like him doesn't suit for a girl like me.
"Nako, Ysa. High school ka pa lang, college na si Dylan." I understand it, okay. Alam na alam ko iyon. Hindi naman ako magpapadala kay Dylan kasi kilala ko sila ng mga pinsan niya.
Its the book two of the book I read. Kahit ayaw ko sanang basahin ay ginawa ko na lang. I can't sacrifice my sleep for thinking about the unhappily ending of that book one!
Hindi ako nakalapas ng kwarto ulit dahil sa pagbabasa ko at sumabay pa ang sarap ng brownies na hindi ko maiwan iwan.
Falling in love with a prince is a trap. Pualit-ulit kong sinasabi sa sarili ko iyon. Like the princess in this book, I should know to distance myself because I am not in the same level like him.
Hindi ko nakita si Dylan kinabukasan. Kahit lumabas ako ng gabi na iyon ay hindi ko rin siya nakita. Siya lang ang wala doon.
Pagkabalik ko sa kwarto ay kumuha ako ng isang pirasong papel sa memo pad na binigay ni Dylan sa akin. I wrote something there.
Thank you for the book two! And for the brownies. I don't know you're too kind. :D - Ysabel
Hindi ko alam kung paano ko mabibigay iyon sa kanya pero tuwing gabi ay inuutusan ako ni mama na i-check ang mga guest room at isara ang bintana ng malaking veranda nila.
Napadaan naman ako sa kwarto ni Dylan at umupo ako sa harap ng pinto niya. Maliit naman ang papel kaya pinasok ko iyon sa ilalim. Sana makita niya.
"Noob! Pwe!" napasilip naman ako basketball court nila dito sa masion at nandoon sina Gab, Rylan, Nath at Bryant. Saan na naman si Dylan?
"Gago! Tingnan mo malalampaso kitang gago ka!" nagta-trashtalk silang apat doon habang naglalaro ng basketball.
These Ferguson boys is really something else. Mabuti at humahaba ang pasensya ng mga magulang nila sa kanila.
Pagpasok ko ng mansion nila para ihatid ang binigay ang driver na pinabili nila ay nakita ko si Dylan na aburidong bumaba doon. Hindi muna ako humakbang. Should I thank him personally?
Diretso lang ang lakad nito papunta kusina. Mabagal naman ang hakbang ko at pumasok rin doon.
"Oh Ysa, bakit sa'yo pinadala yan." sabi ng isang katulong rin doon na ka edad lang ni mama.
