"Gab!" kumaway pa ako sa kanya ng bumaba siya ng yacht nila.
Tinawag rin siya ni mama na nakangiti.
Malaki ang resort ng mga Ferguson. Sa hotel nila dito nag trabaho si mama at papa.
Niyakap naman ako ni Gabrielle.
"I missed you!" tumawa naman ako at hinampas siya sa braso.
"Noong isang buwan, hindi pa ganyan katawan mo ah? Ginagawa mo na bang bahay ang gym?" sabay tawa ko.
He groaned.
It was only him who I communicate. Sa isang taon na nagdaan, ilang beses akong sinabihan ni Gab na nagtatampo raw si Beauty sa akin dahil hindi ko man lang daw magawang sabihin kong ano ba ang nangyayari na sa akin dito.
Si Gab lang rin ang pumupunta rito, hindi raw pinapayagan sina Beauty.
"Sabi ni Beauty enrollment na raw next week. Kailangan mo ng bumalik doon." sabi ni Gab habang kumakain kami sa tabi ng dagat.
"Ayaw ko na. Mas maganda dito mag-aral. Hindi kasing taas ng---"
"You promised wawa, Ysa." I rolled my eyes on him.
Iyon ang alas niya sa akin, ang nagawang kasunduan namin ng kanyang wawa.
"At isa pa, patapos na ang contract nina tito at tita dito. Saan na sila magra-trabaho? Kailangan na nilang bumalik doon. Iyon ang utos ni wawa at dada sa akin kaya pumunta ako dito."
"Ah. Nakakatampo ka naman. Akala ko na miss mo ako kaya pumunta ka rito." sabi ko at sumimangot pa.
Humagalpak naman sa tawa si Gabrielle at hinigit ako para yakapin.
Noong may klase pa ako dito ay bumibisita si Garielle, kilala rin siya ng mga kaibigan ko sa campus. Akala daw nila ay boyfriend ko eto.
Ilang segundo kami natahimik ni Gab doon habang nakatingin lang sa alon ng dagat.
"Ysa, alam mo na ba na naalala ka na niya?" Gab said out of nowhere.
Hindi ako sumagot. Ano naman kung naaalala na niya ako?
"Ilang beses ka niyang hinanap sa akin. Pinabantayan niya ako ng dalawang buwan, kaya hindi ako nakapunta dito." sabay tawa niya.
I smiled. "I think I am ready, Gab." sabi ko.
His forehead creased.
"Ready to see him again?"
I nodded.
I didn't let myself isolate. I socialized with other people here. Sinubukan kong magaligaw sa mga ka-klase ko sa campus dito, meron naman ako naging ka MU na schoolmate ko but we ended it last month. I don't think it can help me.
Mas gusto ko muna makita si Dylan at masabi kong naka move on na ako bago sumubok ulit sa isang relasyon. I've been happy here. Natutunan kong maging masaya ulit dito.
"Maaga tayo aalis bukas, land trip tayo kaya wag kayong mag puyat." paalala ni mama sa amin ni Gabrielle.
"Okay po, tita Trina."
Dala dala ni Gab ang plastic na may mga canned beers at chips. Pumwesto ulit kami sa pinakagilid na parte ng dagat. Nilatag ko naman ang malong na dala ko para makaupo kami roon.
Gab opened one beer at gave it to me.
Napapikit naman ako dahil dire-diretso ang inom ko nito.
"I feel like I am a bad influence." sabi nito habang binubuksan ang sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/110637955-288-k897762.jpg)