Gusto kong isipin ang nangyari kay Dylan. Iyong nagka amnesia siya at hindi niya kasalanan iyon. Pero tuwing maiisip ko iyon, ay mas nasasaktan ako lalo at bumablangko ang isip at puso ko.
"Ysabel? Come on. Sumama ka na. Before the class starts, we need to go to the beach." aya na naman ni Beauty sa akin.
"Isang taon ako sa beach." sabi ko. She winced.
"You left me with this---"
"Beauty!" tawag ko. Alam ko na naman na si mama ang sasabihan niya! Knowing my mother can't say no to the Ferguson!
Tawang tawa si Beauty sa itsura. Hindi ko naman siya pinapansin.
Inakbayan naman ako ni Gab. "Andito naman ako."
Hindi pa nga ako maka get over sa nangyari sa bar tapos eto na naman!
Pagkadating namin doon ay nagtatawana sila lahat. Kahit si Dylan na busy sa phone ay tumatawa. I pressed my both lips.
Naging misteryoso lalo si Dylan para sa akin.
"Mabuti at napilit, Ysa." tawa ni Rylan. Umiling lang ako sa kanya.
"You're welcome!" I saw how Beauty winked at Dylan.
This is scheme!
Palagi si Gab ang katabi ko at na sa pinadulo kami. Si Dylan at Rylan ang na sa front seat.
"Dylan asked me for your number." bulong ni Gab sakin. Hindi naman ako sumagot. Hindi ko na kailangan sagutin iyon dahil alam na niya yun!
Nakatulog ako sa balikat ni Gab sa biyahe, nagising lang ako dahil sa malalakas na tawanan. Pagkatingin ko sa harap ay nakitingin rin si Dylan sa akin sa rear view mirror. Tumikhim naman ako at inayos ang pagkakaupo ko.
"Malapit na tayo." anunsyo ni Rylan.
Isang room daw sa mga babae, at ganoon rin sila sa mga lalaki. Nakasabit sa leeg ni Beauty ang DSLR nila na sobrang haba ng lens.
"You want to be my model, Ysa? Pero dapat naka two piece ka." malakas na sabi niya at napatingin si Dylan sa pwesto namin.
"Wag mo akong kausapin. Hindi pa tayo bati na dalawa." sabi ko sa kanya at lumapit kay Gabrielle na nakikipag-usap kina Bryant at Ezekiel.
Tumawa lang si Beauty at sumigaw pa ng I love you, Ysabel.
Natawa ako kay Beauty ng maiiyak na ito dahil sa pag so-sorry sa akin.
"Baliw 'to." sabi ko sa kanya.
Dahil nga isang taon ako nanirahan sa isla ay may mga two piece ako. Eto ang palagi kong suot kung maliligo kami ng mga kaibigan ko doon.
"Witiwew!" sigaw ni Rylan ng nakita ako.
Huli kasi ako sumunod sa kanila dahil inantok pa ulit ako kanina. Alas kwatro na ng lumabas ako ng cabin namin. Pagakatapos mag lunch kanina ay pumasok kami, sila ay naghanda dahil daw magba-banana boat sila. Ako lang ang hindi sumabay.
It's cousins/siblings time, hindi naman ako Ferguson para sumabay pa doon. Kaya sumunod nalang ako.
Tinanggap ko naman ang apir ni Gabrielle sa akin.
Nakisali ako kina Jewel na naliligo sa beach. Si Beauty naman ay busy doon sa gilid at kinukunan siya ng litrato ni Kendra.
"Someone's eyeing you... Hindi ka pa naman ba natutunaw?" natatawang tanong ni Jewel.
Hindi naman ako tumingin sa pwesto ng mga lalaki na nag-iinuman doon.
"Nakatingin pa ba?" tanong ko. Jewel pouted her sexy lips and nodded.