Kabanata 10

404 13 0
                                    

I told Dylan to keep it a secret. Ayaw kong malaman ni mama at papa na kami na ni Dylan dahil alam ko mabibigla sila. Alam ko naman na ayaw na ayaw nila sa ganoong idea dahil daw masasaktan ako ni Dylan- but that is part of love! Getting hurt.

"Huh? Paano kung ipagkalat nila Rylan iyon?" kinakahabang tanong ko.

He shook his head and held my hand. He intertwined it.

"They won't. I promise."

Dylan invited me for snacks one time. Nabigla naman ako ng nakita ko si Rylan, Gab, Bryant at Nathaniel sa sasakyan niya sa likod. Pinagkakasya nilang apat doon ang sarili nila.

Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa kanila o ano.

"Nagpupumilit kasi silang sumama na apat. Nababakla na siguro sakin." pagmamayabang ni Dylan dahilan kung bakit siya binatokan ni Gab.

"Hoy! Girlfriend mo ang gusto naming makita!" uminit naman ang pisngi ko. Hindi ako sanay na girlfriend ni Dylan ang nickname nila sa akin!

Silang mga lalaki lang naman ang nakakaalam. Hindi rin naman daw alam ng mga babae- even Beauty.

Dylan was the one who paid the snacks. Order naman ng order ang mga pinsan niya at ang kapatid niyang si Nath.

"Ysabel." tawag ni Gab sa akin. Nilunok niya muna ang kinakain niya bago dinagdagan ang sasabihin niya. "Gusto mo bang Ferguson ang apelyido mo? Dumadami na kasi sila, gusto mo Cojuangco na lang?" nahirapan naman ako sa paglunok ng pagkain ko!

Tumawa namann sila Rylan doon at nag apir pa. Dylan groaned and about to pull Gab's collar ng hawakan ko ang kamay niya.

"Tumahimik kang gago ka kung mahal mo pa ang buhay mo." ilang beses kong sinuway si Dylan dahil sa mura niya. Sabi niya, he will lessen it pero kapag kaharap niya mga pinsan niya ay impossible! Lumalala pa.

"Ysabel." Ma'am Paige called me. Pinatawag niya ako Sunday ng hapon. Kakatapos ko lang nun mag review par sa exam next week.

"Ba-Bakit po?" tanong ko.

May nilapag naman siya sa mesa at tiningnan ko naman iyon. Form iyon sa University nila ni Dylan!

"We already got a slot for you. I heard from Tine, you're running Valedictorian. And even our apos told us you are very good in school."

"Hi-Hindi naman po." I humbly said. She smiled.

"I asked Dylan last time on what course you are planning to take. He said you want to take business course too. So we already have the slot for you, you can arrange your schedule any time soon."

What?

"P-Po?" I will go to that University? Hell no! Hindi ko kaya-- okay, I know academically kaya ko. Pero iyong makikihalubilo ako sa kanila doon? Makakaya ko ba yun? Meron na akong target na University at ang dalawang kaibigan ko doon. We are already planning to take entrance exem. Si Nikki naman sa University nina Dylan mag-aaral. Kung doon ako makakasama ko si Nikki, okay iyon. Pero ayaw ko talaga dun, baka sabihin ng maraming tao inaabuso ko ang kabaitan ng mga Ferguson!

"We already talked to your parents. They didn't want our idea at first, but they thought about your future, Ysabel. We're all set now. After studying, if you want to work, you are always welcome to our company. O di kaya, sa line nina Quiana, shop ni Tine, agency ni Stacey, businesses nila Kennedy... Pwede ka rin sa firm nila Cyril."

Hindi ko alam ang gusto kong sabihin sa mga oras na iyon. Walang lumalabas sa bibig ko pero sobrang saya ang nararamdaman ng puso ko.

"Pe-Pero---"

Dangerously In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon