Wakas

846 22 1
                                    

"Andoon na ba si kuya sa cafeteria?" tanong ni Beauty sa akin.

"Oo, kanina pa raw siya."

Dylan always visits me here. He is allowed because he is an alumnus of this campus. May ID naman siya.

"Puntahan ko lang siya. Kayo ba?" tanong ko.

"Library na lang kami. Doon ka na lang pumunta." tumango naman ako kay Beauty.

We have our five hours vacant today at naisipan namin iubos iyon sa pagreview ng long quiz sa isang subject namin. Hindi na sila kakain ng lunch dahil bumili na sila kanina ng rice in a bowl habang may klase. Hindi ako kumain dahil sabi ni Dylan sabay daw kami mag lunch.

Nakita ko naman siya sa isang sulok at nakaupo lang doon. May mga babae pang nagmamasid sa kanya. Napasimangot naman ako ng nagtama ang mga titig naming dalawa. 

I told him many times not to wear a button down shirt when going here because he is nth times hotter wearing it!

Dinampian ko naman ng mabilis na halik ang labi ni Dylan.

"Sweet." he commented. I just made a face to him.

He asked me about such things at sinsagot ko naman siya. Minsan bumabanat siya ng pick up line at tatawanan ko lang siya. Nang natapos kaming mag lunch ay sabi ko sa kanya sa library kami pupunta.

Mabilis ko naman nahanap ang mga kaibigan ko dahil may pwesto na kami rito. Na sa pinakasulok kami at sobrang tago dahil sa mga bookshelves. Mas maganda kasi dito dahil parang may privacy.

Kumunot naman ang noo ko dahil andoon si Rylan.

Humalakhak naman si Dylan at tinaggap ang fist bump ng pinsan.

"Hindi pala pupunta ah." asar ni Dylan sa kanya.

Magkatabi naman kami ni Dylan na dalawa at kaharap ko si Beauty. Katabi ni Beauty si Nikki at katabi nito si Rylan.

Napatawa ako ng mahina ng bahagyang tinulak ni Nikki si Rylan.

"What?" sabay pa nilang tanong sa akin.

"What din? Natatawa lang ako." sabay irap ko sa kanila.

"Ysa!" mas lalo akong natawa sa asal ni Nikki sa akin.

Dylan slide his arm on my waist and pulled me closer.

"Don't mind them. Mind your own business here." bulong niya.

"What business?" I asked innocently. He frowned and pointed himself.

"Of course, me."

Beauty was busy reading her handouts, same with Nikki. Pero minsan ay tumitigil siya dahil sa pangungulit ni Rylan sa kanya.

Nakahilig naman ang ulo ko sa balikat ni Dylan habang binabasa ang handouts ko. Ang kamay niya naman ay hinahaplos ang aking braso.

Ilang oras ang lumipas at napahikab naman ako.

"I'm sleepy." mahinang sabi ko.

Beauty is sleeping already there. Nakapatong ang ulo niya sa braso niyang nakaekis sa ibabaw ng mesa.

"I'll wake you up at three pm." sabi ni Dylan ng tiningnan niya ang kanyang wrist watch.

Binaba ko naman ang handouts ko. Inekis ko rin ang braso ko sa ibabaw ng mesa at pinatong na doon ang aking ulo. Nilapit naman ni Dylan ang upuan niya sa akin at hinaplos ang likod ko. Dahil sa kanyang ginawa ay mabilis akong nakatulog.

Pagkagisng ko ay tiningnan ko naman si Dylan. Ang braso niya ay nakapatong sa sandalan ng inupuan ko at nakatingin siya sa akin. Ngumiti naman siya kaagad. I closed my eyes and smiled.

Dangerously In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon