Dylan and I really text alot. I registered the hundred pesos load at ilang rin naman iyon. Sabi ko sa kanya wag na akong loadan kapag ma expire pero ginawa niya ulit. He even made it 150! Kaya ginawa kong one month iyon para hindi sayang.
"Sino itong Dane heart na 'to sa cellphone mo?! Hoy Dylan ugok! Sino to?!" muntik ko namang malaglag ang tray na hawak hawak ko ng narinig ko iyon kay Rylan.
"Sino? Sino?" tumakbo naman ang iba pa niyang pinsan at pinag pyestahan doon ang cellphone ni Dylan. Na sa loob naman si Dylan at may kinuha doon.
"Dane heart? May Dane ba kayong friend?" Beauty asked Rylan.
"Dylan! Sinong Dane na 'to?! Hoy!" lumabas naman si Dylan doon sa sliding door at mabilis na inagaw ang cellphone kay Rylan.
"Ba't ka ba nangingialam?!"
"Sino ang Dane na yan?! Aba! Hindi namin kilala yan ah! Si Danielle ba iyon? O si Danelyn?!" paano kaya kung isa doon sa binaggit ni Rylan? Siyempre, hindi ako dapat makampante sa bagay na iyon kasi siya si Dylan Ferguson! Ano ang aasahan ko? Na magkakagusto siya sa babaeng katulad ko? What a big slap for me then. Hanggang pangarap lang siguro ang ganyang bagay.
"Danielle, Danelyn mo mukha mo." pilit na inaagaw ni Dylan ang cellphone niya kay Rylan pero nilalayo lang nito. Niyakap naman nina Bryant, Nath at Sander si Dylan para mailayo. Ang mga babae doon at si Gab ang nakikibasa ng text.
"What are you doing now?.... Nakahiga lang, hindi kasi ako makatulog. Ikaw?.... Same, I can't stop thinking of you.... Bolero, hindi ako naniniwala sa'yo.... You should, you know... Hmmm, ewan ko sa'yo...." doon ako natigil sa pagligpit ng kinainan nila.
Iyon yung convo namin kagabi! Holy shit!
"Kapag makawala ako dito, gg kayong lahat sa akin!" sabi ni Dylan. Bumitaw naman si Nath at Sander sa kanya, mabilis niya namang naalis si Bryant doon. Nilapag naman ni Rylan ang cellphone niya sa sun lounger at tumakbo sila kasama si Gab. Dinampot iyon ni Dylan at tiningnan ako, iniwas ko naman kaagad ang titig ko.
"Bro! Iyong linya mo sa babae simula noong high school pa tayo ay ganoon pa rin! Pwe!" asar ni Gab sa kanya.
I felt something crashed my heart. Of course Ysabel, why did you hope in the first place huh? Anak ka ng maid nila na napag-isipan niya lang pag tripan!
Dali dali naman ang hakbang ko at dumaan ako sa kabilang side para wag siya madaanan doon. I can sense he is looking at me but the hell I care. I hate him and I hate myself more.
Bumalik ako sa kwarto ko kaagad pagkatapos ko doon. Tumawag naman si Dylan ng ilang beses pero hindi ko sinagot. I turned my phone off.
"Kain na, Ysabel." aya ni mama ng nagising ako. Nakaupo na siya doon at may pagkain na sa maliit na lamesa.
Wala akong gana habang kumakain doon at patuloy na inalala ang nangyari. Bakit kaya naisip ko na nagkakagusto si Dylan sa akin? Baliw na yata ako!
"Masama ba pakiramdam mo, Ysa?" tanong ni mama.
"Pagod lang po ako, ma. Ang dami ko kasing ginawa last week sa school."
"Magpahinga ka muna bukas dito. Wala namang gawain dahil lumalabas naman silang lahat para magsimba at kumain sa labas."
Lunes ng alas sais pa lang ng umaga ay umalis na ako. Hindi na ako nag-almusal, nagbaon na lang ako ng biscuit. Iniwan ko naman ang cellphone ko sa bahay.
Bawal kaming kumain kapag class hours kaya naghintay ako mag alas diyes para kainin ang biscuit na dala dala ko.
Namimilipit naman sa sakit ang tiyan ko sa mga oras na iyon. May isang klase pa kasi ako bago mag lunch time at kailangan ko pang indahin ito. Siguro gutom lang ito.
