Hindi ako mapakali habang naghihintay sa gate ng mga Ferguson. Wala pa ring balita. Wala rin naman akong number nina Nath para magtanong. Lahat sila ay pumunta roon.
"Ysabel, pasok na tayo." aya ni mama.
Si papa ay kasama ng mga Ferguson pumunta kung saang ospital man sila Dylan.
"Anak? Ayos ka lang ba?" tanong ni mama sa akin.
"A-Ayos lang ba sina D-Dylan nito?" kinakabahang tanong ko.
Sinuri naman ako ni mama bago sumagot.
"Ipagdasal na lang natin na walang mangyayaring masama sa kanila."
Lumabas ako ng kwarto kahit alas onse na. Wala talaga akong ka update update sa nangyari. Ako na lang ang gising sa mansion na 'to. Halos lahat ng sasakyan ay wala rin doon.
I went to the gazebo and sat there. Suot suot ang jacket na binigay ni Dylan sa akin isang araw. Kanina pa ako naiiyak at kinakabahan.
Alas dose, wala pa rin.
Ala una ng napasyahan kong pumasok na dahil bibigay na ang mga mata ko. Antok at dahil sa iyak.
Ilang hakbang na lang makakapasok na ako sa bahay doon ng narinig ko ang pagbukas ng gate. Dali dali akong tumakbo sa garden nila para sumilip doon. Isa isang nagparada ang mga sasakyan ng mga Ferguson doon.
Ang mga guards at driver ang nag-alalay doon. I was just there, standing and peeking what's happening. Gusto kong lapitan si Dylan at magtanong doon pero hindi ko kayang gawin. Wala naman kasi silang ka-alam alam sa amin ni Dylan- or meron?
Isa isa silang bumaba doon. Kahit si Rylan ay nakababa na, merong cast ang kamay nito at may galos ang mukha. Hinanap ng mga mata ko ang sasakyan ni Engineer and there was Dylan! Like Rylan- may cast rin siya sa kaliwang kamay niya, may bandage sa noo at maraming sugat sa mukha.
Parang piniga naman ang puso ko.
"You are not allowed to go anywhere again!" it was there dada shouted.
Isa isang pumasok sila doon sa mansion. I moved a little to peek on the window there. Nakaupo silang tatlo sa couch doon- sa gilid si Dylan at nakaupo ang mommy niya sa armrest nito.
Nakatayo naman ang mga ibang pinsan niya at ang mga daddy nila.
"Why did you drive, Gabrielle?!" Sir CJ burst out.
"Dad! Lasing lahat!---"
"At ikaw hindi?!" galit na sigaw ng daddy niya sa kanya. Ma'am Stacey went to his husband and held him.
"Kaya ko pa naman mag drive dad! Inaantok sila Rylan, lasing ang iba! Sino mag da-drive kung ganoon?!" galit rin na sagot ni Gabrielle.
"Kaya nagpasikat ka?!" Sir CJ was very mad. Napailing na lang si Gab at hindi na sumagot dahil sinuway rin siya ng kanyang wawa.
"Dy---"
"We explained already, mom. Tama na, pagod na kami." iritableng sagot ni Dylan.
Gusto kong tumakbo doon at suntokin siya.
Sir Phoenix burst out too. Lahat ng daddy nila! Asawa lang ni Ma'am Kennedy ang hindi nagalit doon at si Ma'am Desiree.
"Next time you drive---"
"Tito, I already admit it!" putol ni Gab kay Attorney.
"Their parents are blaming you Gab! They all asking for expenses!"
Hindi ba dapat hindi lang kasalanan ni Gab iyon? Hindi lang ang mga Ferguson magbabayad? Their sons have fault too!
Diretso lang ang titig ko kay Dylan doon. At parang may bumulong sa kanya kaya napatingin siya sa pwesto ko. Napaawang ang labi nito ng nakita niya ako doon nakasilip sa bintana nila.
![](https://img.wattpad.com/cover/110637955-288-k897762.jpg)