Hindi ko inaasahan ang yakapin ako ni Dylan ng sobrang higpit. Ang luha na pinigilan ko ay lumabas na. All I did was cry in his arms.
Dylan kissed my head. "I'm sorry..."
It was me who put myself in this dangerous pit, wala namang kasalanan si Dylan dito.
"Tumigil ka na Beauty!" sigaw ni Gab sa pinsan.
"Hindi! Mali ang ginawa niya kay Ysabel!" asik ni Beauty.
"You will pay for this, Beauty! You will fucking pay for----"
"Don't you fucking say that to my cousin! You filthy whore!" I was stunned when Rylan said those words.
I know they are unstoppable when they are mad. Na sa dugo na siguro ng Ferguson ang ganoong ugali at katigasan. Wala silang pakialam kung babae man ito o lalaki, all they treasure is family. They don't need friends in their life because those friends need a Ferguson in their life.
"Excuse me?!" palaban pa rin si Magdalene. Kahit pinapahiya na siya sa harap ng maraming tao, hindi siya natitinag. Kahit nilayuan na siya ng mga kaibigan niya, andiyan pa rin siya nakatayo at hinaharap ito.
"You heard me! You want me to say it again?"
"Stop it! STOP IT!" she shouted and ran hurriedly. Binigyan naman siya ng daan ng mga estudyante doon. Others shouted boo at her.
"Hon..." Dylan called me. I can't look at him.
"Hoy Ferguson! Harsh nun!" Nikki shouted at Rylan.
"Sorry po! Di na po mauulit." sabi ni Rylan dito.
"Putangina, nagagawa niyo pang mag-usap ng ganyan. Tumigil ka Rylan!" sigaw ni Gab sa kanya.
Nagpatianod lang ako sa paghila ni Dylan sa akin doon. Nikki was the one who brought the paper bag and my things. Kahit na sa parking lot na kami ay hindi pa rin tumatahimik si Beauty.
"Girl, tama na. Nai-istress ka na. Tapos na yun, you won. Tama na." sabi ni Nikki dito.
"We're still not yet done, Nik! Hindi ko papalampasin ang ginawa niya kay Ysabel!"
"Beauty." she just shut up when her brother, Dylan, called her.
Hinaplos naman ni Dylan ang bukol sa noo ko dahilan ng pag urong ko.
Napamura naman siya dahil doon. "Buy me an ice pack." utos niya sa kapatid na si Nathaniel.
"Wala ka man lang ginawa para sa kaibigan mo, Nikki?" tanong ni Rylan sa kanya. Parang umusok naman ang ilong ni Nikki at mabilis na hinampas ito.
"Ilang beses ko siyang naisalo sa pagtulak sa kanya! Naitulak rin ako ng kaibigan ng Magdalene na iyon! Tumahimik kang walang hiya ka kasi ang alam mo lang pagsalitaan si Magdalene kanina ng harsh words!"
"Wow---"
"PUCHA! NOONG ISANG ARAW PA KAYO NAG-AAWAY NA DALAWA!" sigaw ni Gab ulit sa kanila. Mabilis naman silang nagiwas ng tingin.
What's with them?
Kumalma na si Beauty, hindi na ulit nagsasasalita si Nikki at panay ang tanong ni Dylan sa akin kung okay lang ba ako.
Kumain kami sa isang restaurant malapit sa campus. Wala akong imik doon. Hindi ko kayang magsalita. Wala akong gana.
Hawak hawak ni Dylan ang ice pack at nilalagay niya iyon sa noo ko. His other hand was snaked on my waist. Pinahiga naman ni Dylan ang ulo ko sa balikat niya para maayos niyang mailagay ang ice pack.
"Ano ba yan?" tanong ni Gab sabay hablot ng box doon.
"Gab!" tawag ko at mabilis napaayos ng upo. Kukunin ko sana iyon sa kanya ng mabilis niyang nilayo ito.