"They will ride the chopper." iyon ang sinabi ni Rylan. Ang iba pa niyang pinsan ay pinapauwi na niya para makapagpahinga pero ayaw nila.
"Ysa, you want to take---" hindi ko pinatapos ang sinabi ni Gab at umiling kaagad ako.
Gusto ko dito lang muna ako, hihintayin kong magising si Dylan. Magso-sorry pa ako, sasabihin ko pa sa kanya na wala siyang kasalanan, at hindi ako galit sa kanya. Gusto ko malaman ni Dylan na mahal na mahal ko pa siya.
I think it is a blessing and a curse to feel everything so very deeply.
Dumating ang mga magulang nila around three in the morning at mahimbing pa ang tulog ni Dylan. They asked what happened, at natatakot akong sabihin iyon sa kanila.
"He was just screaming because of pain, 'mi... Hindi namin alam na lumabas---"
"Nag-usap po kasi kami." I cute Nathaniel's sentence.
Kahit nakayuko ako ay alam kong lahat sila ay nakatingin sa amin. Tanging si Sir Kendrick at Ma'am Paige lang ang wala doon, hindi na daw nila pinaalam baka ano pa mangyari especially to Ma'am Paige.
I really feel guilty. Tatanggapin ko talaga kung magalit sila sa akin at ayaw na ako ni Dylan makita. I already lost my chance.
"H-Hindi ko po ka-kasi alam na aatakihin si Dylan ng ganoon..." mahinang sabi ko. Pinunasan ko naman ang luha na lumabas sa mga mata ko.
"Nagmakaawa si Dylan, pero sabi ko po ayaw ko na... Na-Nagalit siya dahil... Dahil sinabi ko sa kanya na alam kong hinahanap niya ako pero wala lang sa akin iyon...." dagdag ko. Dinaluhan naman ako ni Gabrielle at niyakap.
Walang nagsalita sa kanila, tanging iyak ko lang ang umingay sa loob ng kwarto doon ni Dylan. Hindi ko alam kung may mukha pa ba akong ihaharap sa kanila, sobrang nahihiya na ako sa mga ginawa ko. They helped me in everything, tapos ito pa ang sinukli ko. Pinahamak ko si Dylan.
"So-Sorry po... So-Sorry po..."
"Shhh... Ysabel..." mas lalo lang humigpit ang yakap ni Gab sa akin. Hindi niya ako binitawan kahit tumahan na ako. He was there to hold me so tight.
"You need to go back and rest... Kami na muna dito." sabi ni Sir Phoenix.
Inaantok na silang lahat, kahit si Gab ay tumayo na at hinawakan ang kamay ko pero nanatili lang akong nakaupo doon.
"Ysabel." tawag niya.
"Di-Dito lang muna ako... Gu-Gusto ko andito ako pagkagising ni Dylan..." lumabas na naman ang luha sa mga mata ko.
"Ysa..." it was Engineer who called me. Kahit gusto ko siyang tingnan ay hindi ko nagawa. I feel so damn guilty.
"Ysabel, magpahinga ka muna." ani Ma'am Stacey.
Umiling lang ako. "O-Okay ang po ako.. Di-Dito lang---"
"Magagalit si Dylan niyan, Ysabel... Come on..." sabi ni Ma'am Kennedy. "Gab, take her."
Pagkadating na sa cabin ay hindi rin ako nakatulog. Lahat sila ay nakatulog pero ako ay hindi. It was five in the morning at dilat na dilat pa rin ako. Kapag maiiyak ako ay lumalabas ako o di kaya sa banyo para hindi maistorbo ang tulog ng mga babae.
They assured me na kapag magising raw si Dylan ay ite-text nila ako para pumunta na. Kaya ayaw kong matulog. Gusto ko puntahan kaagad si Dylan.
Sumisikat na ang araw at nakaupo lang ako sa upuan sa labas ng cabin namin. Hindi ko naman nilingon ang pagbukas ng pinto sa gilid ko.
"Ysabel! I thought you go at the hospital!" sabi ni Beauty.
"Nakatulog ka ba? Nag text na ba sila---"
