Ysabel
Busangot naman ako ang mukha ko habang naglalakad ako kasabay sina Nikki at Beauty. Kanina pa sila natatawa na dalawa habang ako ay wala lang. Kung meron man sila ituturo sa akin ay titingnan ko lang pero hindi sasabay sa uusapan nila.
"Hala siya." sabi ni Beauty sabay turo kung saan man iyon. Nikki gasped.
Napatingin naman ako doon at nanlaki naman ang mga mata ko sa freshmen students na nag P-PDA sa likod ng malaking puno na iyon. Hindi sila siguro nila alam na may mga dumadaan rin dito.
I don't want to judge the couple, alright. Guilty rin naman ako kasi minsan ganyan rin kami ni Dylan. Not in the campus, dahil wala na rin naman siya dito. But minsan, kapag lalabas kaming dalawa, sa bar kung saan sumasama kami sa mga pinsan niya, at kung saan man. He's very sweet and clingy.
"Tara na nga." I sound mad. Eh talaga kasing galit naman ako.
Tumawa naman si Beauty. "PMS, Ysa? Init ng dugo natin ah?"
"Nakakainis kasi ang kuya mo." sabi ko.
Nalaman ni Dylan na lalaki ang kapares ko sa isang project ko. Kaya nagalit siya sa akin. Mas lalo siyang nagalit ng nalaman niyang kami pa ang namili ng magiging pair namin. Katabi ko kasi si Jerome nun, at irregular student siya. Sinabihan ko naman si Nikki at Beauty na sila na lang at ako na lang magpa-pares kay Jerome. Hindi naman kasi pwedeng individual gawin. Dylan got mad when Jerome texted me yesterday about our project.
Hindi ko alam kung bakit nagkaganyan siya, kung possessive siya noon, mas naging possessive siya ngayon. Iyong maliit na bagay, sasabog na kaagad siya. Ang palagi niya lang sasabihin sa akin kaagad Because I don't want to lose you again!
Ng nakarating kami sa last class namin ay mag text si Dylan doon. Binuksan ko naman iyon.
Dylan:
Go home after you class. Wag ka ng mag rason na may dadaanan ka pa.
Parang gusto ko naman ibato ang cellphone ko.
Sa gitna ng klase ay nag vibrate ang phone ko, ayaw ko sanang kunin iyon dahil baka si Dylan na naman but when I checked it, it was Jerome.
Jerome:
Ysa, pwedeng mamaya na lang tayo mag meet? 5pm? Asan ba class mo? Sunduin na lang kita.
Ayaw ko sana dahil gusto kong puntahan kaagad si Dylan, kasi alam ko may kasalanan naman ako, but I need to do this too.
Medyo na late ako ng sumunod kay Jerome sa coffee shop sa labas ng campus. Sinabihan ko naman si Beauty kanina na sabihan ang kuya niya kung magtanong, pero kung hindi naman ay hayaan na lang. I already text him tho, depende sa kanya kung magagalit pa rin ba siya.
"You still want to have a snacks or heavy meal? Meron naman silang pwedeng dinner dito." aya ni Jerome.
"Matatagalan ba tayo dito?" tanong ko sa kanya. Na sa kanya ang sequence ng gagawin namin, sabi niya siya daw magpa-plano nun at wala namang problema sa akin iyon.
"Uh? Until 8pm? Para next meeting natin, konti na lang ang pwedeng taposin."
Habang hinihintay si Jerome ay tinext ko si Dylan.
Baka 8pm kami matapos. Hindi ka ba talaga mag re-reply?
Hindi ako mapakali habang ginagawa ang project namin. Dylan is really not replying! He doesn't care at all.
"Sundo mo ba yan, Ysa? Kanina pa yan diyan nakatingin sa'yo. He's kinda dangerous though, masama ang titig rin sakin." sabay tawa ni Jerome.
Lumingon naman ako sa tinutukoy niya. My heart skipped a beat! Dylan is there sitting with serious stares! Parang laser ang mga titig niya at pwede kang mabalatan ng buhay.
