I heard girls shrieked out. Kaya naitulak ko ng bahagya si Dylan. Inayos ko naman ang pagtayo ko at hindi alam ang gagawin.
He is only using bathrobe and board shorts and what can I say?! He was burning hot! Iyong sa sobrang hot niya ay kapag mahawakan mo ay mapapaso ka talaga.
Napatingin ako sa pwesto ng mommy niya at nanlaki ang mga mata ko ng hindi lang si Ma'am Tine ang nandoon.
Ma'am Stacey, Kennedy, Desiree and even Ma'am Quiana were there looking at us. Hindi ko alam ang mga mukha nila, gulat sila na parang tatawa na ano. Ay ewan ko!
Hindi ko alam ang gagawin ko, parang gusto kong tumakbo na ewan. Parang gusto kong tumae na ewan. Parang--- damn it!
"One point, Dylan Ferguson!" natatawang asara ni Rylan sa kanya. Sumipol sipol naman si Gabrielle doon.
I looked at Dylan again and he just stared at me. I blinked my eyes. I hope this is just a dream!
"Ysabel!" tawag ni tita Nora sa akin na walang kaalam alam sa nangyari. Pinasalamat ko naman iyon dahil naialis niya ako sa tensyon doon.
Tumawa pa ang mga pinsan ni Dylan doon. Nagpatianod naman ako sa hila ni tita Nora.
"Pwede ka ba muna pumunta ng bayan? Kailangan pa kasi ng ibang putahe para sa hapunan mamaya. May mga bisita kasing pupunta."
"Oo.. Pwede naman po." it was a good thing though.
Sinamahan naman ako ng driver makabili sa bayan. Si papa naman ay driver ni Sir Kendrick kaya wala rin naman siya sa mansion ng Ferguson.
Alas kwatro ng dumating ako. Nagsimula na naman ang kaba at hiya sa dibdib ko. Pagkapasok ko ng kusina ay andoon ang mommy ni Dylan na may malapad na ngiti sa akin.
"Ah... E-Eto na po." sabi ko at nilapag doon.
"Tine, what do you think of this?" I heard Ma'am Quiana entered the kitchen too.
"Ano yan ate?" tanong ni Ma'am Tine sa kanya. They exchanged smiles.
Nilabas ko naman isa isa ang mga pinamili ko doon.
"Mom!" parang gusto kong magtago sa ilalim ng counter ng narinig ko ang boses ni Dylan.
"Mom!"
"I'm at the kitchen, D!" nalaglag na ang orange dahil sa pagmamadali ko.
"Ysabel, relax." tawag ni Ma'am Quiana sa akin. Tumango naman ako. Galing sa pool area ay pumasok doon si Ma'am Stacey.
Iniwas ko naman ang titig ko ng nakapasok rin si Dylan.
"What is it, D?" his mom asked him. Sekretong sumulyap ako sa kanya pero nakatingin na naman siya sa akin!
"Those were the days." natatawang sabi ni Ma'am Stacey. And again, nalaglag na naman ang apple.
Tumawa naman si Ma'am Quiana. "Can you help Ysabel first Dylan?"
"O-Of course." sabi nito at dumiretso kaagad sa akin.
Ramdam ko na ang pag-iinit ng pisngi ko at malapit ng sumabog ang puso ko.
"O-Okay lang..." nahihiyang sabi ko na siya lang ang nakarinig.
Hindi niya naman iyon pinansin at pinagpatuloy ang paglabas ng na sa plastic.
"Why you were the one assigned to buy these?" malakas ang boses niyang tanong kaya napatikhim ang mommy at dalawang tita niya.
What is this?!
"W-Wala kasing pw-pwedeng bu-bumili... Na-Naghahanda ang la-lahat pa-para sa ha-hapunan niyo mamaya..." nauutal kong sabi.
