Na sa likod naman ako at na sa pinakadulo ng kotse nila. Na sa front seat si Dylan habang na sa likod kami nina Rylan, Beauty at Gab. Bati na naman silang dalawa at masayang nag-aasaran.
Oh boys.
"Ysabel, mag-ingay ka naman." sabi ni Rylan na nasa pinakdulo rin.
"Huh?"
"Hindi bahay sa'yo ang tahimik." dagdag pa nito.
"W-Wala naman akong sa-sabihin." kanina pa sila nag uusap sa Ingles. Hindi naman ako bobo, matalino ako at na sa top one ako simula noong elementary ako.
"Sino ang gwapo sa aming tatlo? Ako, si Gab o si Dylan?" tanong ni Rylan.
Ano namang klasing tanong iyan? Wala naman akong pakialam kung pogi sila o hindi. It's the attitude after all.
"W-Wala..." mahinang sabi ko. Tumawa naman si Beauty at ang driver sa harap. Nakita ko naman sa rear view mirror ang pagtitig ni Dylan sa akin. Nahihiyang iniwas ko naman iyon at napatingin sa binta.
"Wala kang crush sa kanila Ysa?" tanong ni Beauty. Umiling naman ako.
Tumawa naman sila Gab at Rylan. "Unbelievable!" sabay pa nilang sabi na dalawa.
Try kaya nilang ayusin ugali nila, baka magkakagusto pa ako sa kanila.
Gusto ko sanang maglakad sa huli at sumunod na lang sa kanila pero hinawakan ako ni Beauty at sinabit ang braso niya sa akin.
"You can pick Ysa! Sabi ni wawa, I will buy you rin." umiling naman ako.
"Nabilhan na ako ni mama noong isang araw." sabi ko, Sa divisoria bumili si mama at hindi katulad ng mga design ng notebooks na eto. Iba't ibang kulay lang iyon at mas madali iyon malaman para sa aling subject.
"Huh? Ballpen? Highlighter? Any? Just pick!" dagdag ni Beauty.
"Okay na, ikaw na lang tulungan kong maghanap." sabi ko.
Naramdaman ko naman na may nagkabalit sa akin at kinabigla kong si Dylan iyon. Tinaas niya naman ang dalawang binders sa harap ko. Ang isa ay may malaking middle finger na design at ang isa ay puros doodle lang.
"Saan mas maganda?" sabi ko.
Obvious ba? Siyempre iyongs doodle! Ang pangit kaya ng naka fuck you!
Nahihiyang tinuro ko naman ang may doodle. Tiningnan niya naman iyon.
"Yeah right." sabi nito at tumalikod na.
What was that?
Ganoon rin ang ginawa ni Gab at Rylan sa akin. Ano ba trip ng magpipinsan na ito?!
Tinulungan ko si Beauty maghanap ng notebook doon. Iyong notebook nga na nabili ni mama ay thirteen pesos lang! Eh ang sa kanya sixty isa!
"Eto, Beauty oh. Ang cute." sabi ko sabay pakita ng notebook sa kanya na kulay pink at may mga glitters. Merong malaking you can't sit with us pa ito. Fan kasi ako ng Mean Girls kaya nagustuhan ko iyon.
Tapos na ang tatlong lalaki sa paghahanap habang si Beauty ay andoon pa rin. Hindi pa tapos sa kakahanap. Naiinip naman ang tatlo doon at nililibang na lang ang sarili sa mga babaeng nakikita nila. Tsk tsk. Virgin pa kaya ang mga ito?!
"Ano ba kayo?! Stop it!" naiinis na sabi ni Beauty sa kanila. Kahit iyong dalagang cashier ay napagdiskitahan pa nila. Napailing naman ako. Boys will always be boys.
Kumain naman sila sa isang mamahaling restaurant doon, nagpaalam muna ako kay Beauty na mag C-CR. Tinuro niya naman kung saan sila uupo.
Ng nakalabas ako sa cubicle ay binuksan ko naman ang bag ko. Nilabas ko naman ang suklay, pulbo at lip tint doon. Sinuklay ko naman ang mahaba kong buhok at naglagay ng pulbo at lip tint. Hindi naman ako pangit, may ibubura rin naman ako. May mga manliligaw rin ako pero siyempre study first sabi ni papa.
![](https://img.wattpad.com/cover/110637955-288-k897762.jpg)